Chrizshel Kayred's pov
"Ikaw na ang bahala, okay?"
Tumango ako kay Professor Kim.
"Babalik ako at kukunin ko rin siya pag nahanap ko na ang mama niya." Lumapit si Professor Kim para humalik sa noo ng 5 months old niyang anak.
And yes! May anak na siya, nung sinabi niya sa akin kanina ang tungkol sa anak niya hindi ako agad naniwala, akala ko kasi ay ginu-good time niya lang ako pero ito nga, totoo ngang may anak na talaga siya.
Pero kailangan niya ng mapagiiwanan sa bata dahil kailangan hanapin ni Proffessor Kim ang ina ni Tammy, may pinagtalunan daw kasi sila then boom, umalis na lang siya bigla at iniwan si Tammy kay Professor Kim. Ayaw namang iwan ni Prof si Tammy sa mga magulang niya dahil baka daw mabigla ang mama niya na may anak na siya tapos atakihin pa sa puso. Kaya ayan, nagmamabuting loob na ako.
I'm a concern citizen. Oyeah!
"Ako na ang bahala sa kanya." Kinuha ko kay Professor Kim ang gamit ni baby Tammy. "I'll call you na lang po pag may problema."
Tumango sa akin si Proffessor Kim bago tinignan ang anak, "Behave ka kay Tita Chrizshel, anak, okay? Aamuhin ko muna ang nanay mong kapatid ata ng tigre." Huminga ng malalim si Professor Kim at muling humalik sa anak niya na wala namang naintindihan sa sinabi ng ama.
"Okay lang ba talaga, Chrizshel?"
"Sir, pangilang tanong niyo na 'yan? Ito na oh, hawak ko na si Tammy kaya umalis kana." Pantataboy ko sa kanya.
"Paano kayo ni Kade?" Tanong ni Proffessor Kim na siyang nakapagpatahimik sa akin. "I'm sorry if dahil sa akin hindi kayo okay ngayon."
"No, don't say that. Hindi kami okay ngayon dahil sa kagagawan niya, dahil sa pagiisip niya. Labas ho kayo sa problema namin." Tipid akong ngumiti.
"Pero ako ang nag trigger sa nararamdaman niya kaya hindi kayo okay."
"It's his fault pa rin dahil inuna niya ang selos niya, imbis na manatili sa tabi ko asan siya? Andon siya sa ibang babae at nagpapahalik." Huminga ako ng malalalim dahil muli na namang sumama ang loob ko.
"I'm sorry to hear that." Lumabi si Sir na tinanguan ko na lang dahil kahit ako ay nag so-sorry sa nararamdaman ko dahil hindi pa rin mawala wala sa isip ko ang ginawang pag halik ng babaeng 'yon kay Kade.
"Sige na, umalis kana. Aalagaan ko ng maayos ang anak mo."
"Salamat, Chrizshel."
"99 'to, sir ha," Biro ko na malakas namang tinawanan ng huli.
BINABASA MO ANG
The Bloody Scorpions' Queen
Action"How far are you willing to go for your family? What are you willing to do to make those around you happy, including yourself? Are you ready to risk your life for the people you love? Are you willing to do anything for your sibling? The answer is ye...