Chapter 31

362 31 0
                                    


Chrizshel's pov

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama rekta sa mukha ko at sakto namang pagdilat ko ay ang inosenteng mukha ng kapatid ko ang nabungaran ko. Kung namana ko ang mataray at palaban na mukha ni mommy, namana naman ni Alex ang inosenteng mukha ni daddy.


Alexzy is a princess, my princess. Sobrang soft ng pagkatao niya, kung ako pagpatay ang huling choice siya naman simpleng pag uusap lang. Mula ng maranasan niya ang kahayupan ni Jacob, nagbago ang lahat. Na trauma siya sa mga nangyari sa kanya, nahirapan siyang magtiwala sa mga tao at marami pang iba. Nawala ang kalahating parte ni Alex pagtapos ng pangyayaring 'yon kaya hindi ko maiwasang sisihin ang sarili.


Sa sobrang pagmumukmok ko sa pagkawala ni Alec, nakalimutan kong may kapatid pa pala akong kailangan kong pangalagaan, na may mga tao pa rin pala akong dapat proteksyunan dahil hindi lang naman ako ang target ng kung sino. Nakakapanghinayang at nakakapangsisi, kung maaga lang siguro akong dumating, hindi sana ganito at magkakaganito ang kapatid ko. Wala sana siyang anxiety attacks, wala sana siyang takot.


Kasalanan ko ang lahat, naging pabaya ako pero ngayon. Ngayon na may chance akong bumawi, may chance akong mas mapangalagaan siya. Gagawin ko ang lahat para hindi maulit ang nakaraan. Kung demonyo si Jacob, mas demonyo na ako. Hindi ko hahayaang ulitin niya pa sa ibang tao ang mga ginawa niya sa amin. Sapat na ang paghihirap na binigay niya sa amin at sisiguraduhin ko na hindi na madadagdagan 'yon.


Hinaplos ko ang pisngi ni Alex at napangiti naman ako ng unti unti siyang dumilat at tumitig sa mukha ko.


"Ohayoguzaimasu, ate!" Nakangiting bati niya habang nag uunat. Hinalikan ko siya sa pisngi pero nahinto rin ako nang mapansin ang paa niyang hindi natakluban ng kumot.


"May problema ba, ate?" Tanong niya kaya nabalik ang paningin ko sa mukha niya.


"Wala naman." Muli naman akong lumapit sa kanya at hinalikan siya sa noo.


Ganito kami lagi noon, nung mga panahong hindi pa namin alam ang tungkol sa kontrata at nung panahong hindi pa nag kakanda letche letche ang buhay namin. Ang sarap sa pakiramdam dahil may pagkakataon pa rin kaming gawin ang mga bagay na 'to. Kahit pa-paano fair rin pala ang mundo.


"Good morning too, my love!" Masayang bati ko rin sa kanya. "Kamusta ang tulog mo?" Inalalayan ko siyang umupo. Isang paa lang ang hindi niya naigagalaw at pwede pa siyang maglakad ang kaso hindi niya pa kayang harapin lahat lahat. Pero kahit ganun hindi ako naniniwala na hindi na siya makakalakad pa.


"Okay naman, ate, maganda ang tulog ko dahil katabi kita." Masayang sagot niya. Napangiti naman ako dahil sa sweetness ng kapatid ko. "Ikaw ate? Kamusta ang tulog mo?" Tanong niya pabalik.


"Hmm, maayos naman."


"Ang dry ha." Parang tanga niya akong inirapan kaya literal na tumaas ang kilay ko.


"Maayos naman ang tulog ko kapatid ko!! Masarap ang tulog ko dahil katabi ko ang paborito kong kapatid!!" Pinasigla ko ang boses at sinabayan ko rin ng gestures. Kahit hindi ko nakikita sa salamin ang mukha ay alam kong mukha akong tanga dahil sa malakas niyang tawa.

The Bloody Scorpions' QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon