Chapter 26

472 26 0
                                    


Chrizshel's pov

"Nagustuhan mo ba ang pasalubong ko sa'yo?" Tanong ko kay Alexzy.


Nakahiga kami ngayon sa kama, mahigpit na nakayakap sa akin si Alexzy na ginagantihan ko rin. Itong yakap ang hinahanap hanap ko habang nasa Japan ako at ngayong dama ko na, ayaw ko na lang matapos.


"Ate, nag aalala ako sobra nung umalis ka."


Mas inilapit ko si Alexzy sa akin at hinalikan ko ang noo niya, "I know and I'm sorry."


"It's fine ate, ang importante nandito kana."


"At hindi na ako ulit aalis."


"Talaga po?"


"Oo naman!" Hinalikan ko ang pisngi ni Alex pero sabay rin kaming napalingon nang bumukas ang pinto ko at tuloy tuloy na pumasok si Damon.


"Chrizshel..." Sambit ni Damon. Sinenyasan ko naman siyang tumabi sa akin at gaya ni Alex, umunan din si Damon sa braso ko. Mabuti na lang talaga at magaling na ang mag sugat ko.


"I missed you!" Niyakap ako ni Damon pero dahil sa mahaba ang kamay niya, nadamay pati si Alexzy.


"I missed you too," bulong ko.


"Ate, alam mo ba sobrang lungkot ni Kuya Damon nung umalis ka!" Sumbong ni Alexzy. Pabiro naman siyang kinurot ni Damon na mahinang ikinatawa ng huli.


"Okay lang na malungkot kesa sa iyakin." Damon stuck out his tongue kaya naiiling na hinapit ko sila sa akin.


"Uh, Chrizshel...." Si Damon.


"Hmm?" Kanina pag pasok, halatang halata na may gusto siyang sabihin.


"Karianna and Alec's mom is already here na," May pag iingat sa pananalita ni Damon na sobra ko namang na appreciate kaya inaya ko silang tumayo na at bumaba. Nagtulungan kami kay Alexzy, ang kapatid ko ang may hawak ng Urn samantalang tulak tulak naman ni Damon si Alex.


Kinakabahan ako, sobra! Ngayon ko lang makikilala ang biological mother ni Alec at handang handa na ang pisngi ko kung sakali mang sasampalin niya ako. 'Yun ang nakikita kong mangyayari at malaki ang posibilidad na mangyari nga.


Nakaharap ko na ang mommy ni Alec, buong tapang akong humakbang palapit hanggang sa magkaharap na magkaharap na kami. I extended my hand, "Thank you for coming ma'am, I'm Chrizshel Sanuki," Magalang na pagpapakilala ko pero ilang segundo o minuto na ang lumipas, nakatingin pa rin siya sa akin. Binalak kong ibaba na ang kamay ko dahil napapahiya na ako pero hindi ko inasahan ang ginawa niya. Tinanggap niya ang pakikipagkamay ko pero pagtapos non ay biglaan niya akong hinila kaya napayakap ako sa kanya.

The Bloody Scorpions' QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon