"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko sa kanya nang makababa kami sa sasakyan.
"Mas makakatulog ka dito."
Nauna siyang pumasok sa bahay nila kaya naiiling na sumunod naman ako pero hindi pa man ako nakakatatlong hakbang ay may humablot na sa braso ko.
"Come with me, you wanna know who shot him right?" Malamig na sabi ng lalaki kaya mabilis akong humarap para makita ang itsura niya. Malaking tao ang bumungad sakin, mula sa muscles at sa matigas niyang mukha.
Paniguradong sakit ng katawan aabutin ko dito.
"I don't know what you're talking about, let go of my arm," seryosong tanggi ko. Nang hihilain na sana niya ako ay mabilis kong inangat ang paa ko para sipain siya pero mabilis niya itong naiwasan.
"You wanna know who shot Alec, right? I know everything." He smiled devilishly.
"W-who?" Kabadong tanong ko.
"Come with me and I'll tell you everything." Pang uuto niya, inilahad niya ang kamay sa akin na tinitigan ko pero lumipat ang tingin ko sa mga mata niya.
"Tell me, right here, right now," walang emosyong utos ko. Nahagip ng paningin ko ang tattoo ng lalaki sa leeg at sapat na sa akin ang tattoo na 'yon para tapusin siya.
"Better luck next time." Kung demonyo ang ngiti niya, mas pinademonyo ko ang ngiti ko at nagsimulang atakihin siya.
Naiwasan niya ang mga unang tira ko pero habang tumatagal ay natatamaan ko na siya. Ilang palitan ng suntok ang nangyari bago ako nagkaroon ng chance. Saktong tumama ang paa ko sa leeg niya at ganon na lang ang gulat ko nang matumba siya at mawalan ng malay.
Mukhang sa maling parte ko siya napuruhan. Iiling iling akong bumuntong hininga at kinuha ang cellphone ko.
"Kody Solier's place." Pagkasabi ko nun ay binaba ko na ang tawag at pumasok na sa loob ng bahay nila Kade.
"Oh! Pinapasunod ka ni Kade sa kwarto niya." Bungad niya sakin ng tuluyan akong makalapit sa kanya. "Anong nangyari sa'yo?" Gulat na tanong niya nang mapansin ang cut sa pisngi ko.
"Ah, wala po. Sige po aakyat na ako." Sabi ko at naglakad pero muli akong humarap sa kanya." Ako nga po pala si Chrizshel," Nakangiting pakilala ko. Lumapit naman ako sa kanya at binigyan siya ng isang mahigpit na yakap na ikinagulat naman niya.
"Thank you po pala sa ginawa niyong pagtulong kay Manang Emery noong nawala ako." Tukoy ko sa pagdakip na ginawa ni Owen noon. "Ano po pala ang pangalan niyo?" Tanong ko pa.
"Okay lang 'yon hija. Ako pala si Jing pwede mo ako tawaging Manang Jing." Nakangiting pag papakilala niya na tinanguan ko.
BINABASA MO ANG
The Bloody Scorpions' Queen
Action"How far are you willing to go for your family? What are you willing to do to make those around you happy, including yourself? Are you ready to risk your life for the people you love? Are you willing to do anything for your sibling? The answer is ye...