Chrizshel's pov
It's Alec's day. Naisipan kong bandang hapon na lang pumunta dahil ayokong makasabay ang papa ni Alec, kung pumupunta pa siya sa anak niya.
"Sister! Where are you going?" Sigaw ng batang matinis ang boses sa hallway nang makalabas ako sa kwarto ko.
Dito sa hotel ko naisipang tumuloy, bukod kasi sa madaming tao, eh, sigurado rin ang seguridad ng mga mananatili dito o ng mga bakasyonista. Meron akong susi ng lumang bahay namin dito pati na ng bahay na tinitirahan ni Alec noon pero hindi naman ako tanga para hindi maisip na nakatunog na sila na andito ako.
Sana lang talaga ay hindi makarating kila lola.
"Sister!" Sigaw na naman ng bata kaya nilingon ko na siya at nginitian. Hindi ata uso sa batang 'to ang salitang mahina, eh.
"Yes?" Tanong ko.
"Where are you going?" She asked cutely pero nakasigaw pa rin. Pinaglihi ata sa megaphone ang batang ito.
Kahapon ko nakilala si Ren, papasok ako sa room ko samantalang nasa hallway naman siya at nagliliwaliw. Nagtitigan lang kami ng ilang minuto bago siya nagsalita na nag panginig sa ear drums ko. Nagsagutan lang kami at ito, sinabi niya na na kaibigan niya na daw ako.
Paladesisyon, eh.
"I'm going to my Alec."
"Your Alec?" Kunot ang noo na tanong niya kaya napangiti ako.
"Yup!" Umayos ako ng tayo sa harap niya at pinaningkitan siya ng mata. "You escape again, didn't you?" Tanong ko.
Kahapon kasi ay nag aalalang lumabas ang nanny niya at hinanap na pala siya sa buong room, ang rason niya? Nagtutupi daw kasi ang nanny niya kaya hindi na siya nagpaalam.
"What?" Malakas na sigaw niya kaya napapikit ako. Hindi na ako mag tataka kung may mabulabog 'tong batang to. "I didn't escape! My nanny just let me roam around!"
"Okay, calm down. I'm just asking."
"I am calm!"
"Yeah, whatever." Lihim akong umirap, ayoko siyang patulan. Baka umiyak, ako pa ang maging masama kung sakali.
"Are you going now?" She asked.
"Yeah."
"Can I come?" Pinagdikit niya ang mga palad samantalang napangiwi naman ako.
"Uh, not today, sweetheart. I'll talk to your mom for consent if you really want but not today." I smiled at her.
BINABASA MO ANG
The Bloody Scorpions' Queen
Action"How far are you willing to go for your family? What are you willing to do to make those around you happy, including yourself? Are you ready to risk your life for the people you love? Are you willing to do anything for your sibling? The answer is ye...