Chapter 54

45 4 0
                                    


Three days had passed pero hindi pa rin nagigising ang kapatid ko at si Apollo. Hindi na dapat ako mag alala dahil maayos naman na sila pero iba pa rin pag nakita mo silang gising at nakikipag kulitan.


I collapsed and gaya nila pasyente din ako but I'm good now sadyang ayaw lang ako i-discharge ni Kody dahil baka daw masinat ako. Gusto niya rin mag run ng test sa buong katawan ko na pinagtalunan talaga namin.


"Bakit hindi ka pa nagpapahinga?" Tanong ni Kody nang maabutan akong gising pa.


It's two in the morning at kararating lang din niya.


"Kagigising ko lang. Bakit ngayon ka lang? Saan ka nanggaling? It's late na."


"Para kang nanay mag tanong," sabi niya kaya nakabusangot akong inilagay na lang sa pisngi ko ang kamay ni Alex.


"Madami akong tinapos sa school, andaming kailangang pirmahan na nung nakaraan pa kailangan," sagot niya sa tanong ko kaya muli ko siyang nilingon.


"Nagugutom ka? Gusto mo kumain?" Tanong ko.


"Nah, I'm good."


"Baka naman nagpapalipas ka! Hindi maganda 'yan daddy, baka ikaw ang pumalik sa hinihigaan ko kanina."


"Ayos lang, hindi ka naman sa kabaong nakahiga kanina, eh." Mahina siyang tumawa na inirapan ko naman.


"Hindi ka talaga nagugutom?" Tanong ko.


"Kumain ako kanina, I'm good. Ikaw? Bakit gising ka pa?" Pumunta siya sa water dispenser dala ang tumbler niya para kumuha ng tubig.


"Magdamag akong tulog kanina," simpleng sagot ko.


"I see..." Kumuha siya ng upuan at itinabi ito sa tabi ko. "Kumusta sila?"


"They're fine pero hindi pa rin alam kung kelan sila gigising," mahinang sagot ko.


We need to minimize our voice dahil kung hindi, magigising ang mga kasama namin and when I say mga kasama namin ibig sabihin lahat sila andito maliban nga lang kay Manang Emery and Manang Jing na hindi makapagpahinga ng maayos pag andito sila dahil sa gulo namin. Mabuti na nga lang at walang nangyaring masama sa kanilang dalawa, pinukpok daw sila ng baril kaya nawalan sila agad ng malay.


Nawawala na ang ilang pasa ni Alex at Apollo, medyo tuyo na rin ang mga sugat nila at hinihintay na lang ang pag gising nila.


Mabuti na lang talaga at nagising na si Elliza, Elsie at Jax kahapon, while me, Alex and Apollo, naka confine pa rin. Pinagsama-sama na kami sa isang kwarto, request na rin ni Kody at ni Kade dahil hindi ko talaga kayang malayo sa kapatid ko hanggat hindi pa siya nagigising.

The Bloody Scorpions' QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon