Chapter 18

80 7 0
                                    


"Namatay ang mommy ko dahil sa inyo, nabaldado ang kapatid mo dahil sa kapabayaan mo, nanganib ang buhay ni Leah dahil sa'yo, ngayon naman si Jack, sino pa Chrizshel? Sino pa ang maghihirap at masasaktan dahil sa'yo?!"


Mabilis kong naitulak si Kade nang manumbalik sa isip ko ang mga binitawan niyang salita. Dama ko ang likidong lumalabas mula sa katawan ko pero hindi ko na 'yon pinansin. Mas nangingibabaw ang sakit ng dibdib ko ngayon, parang sirang plakang paulit ulit sa isip ko ang mga sinabi ni Kade.


Pilit kong hinahabol ang hininga ko pero ang hirap, mas sumasakit ang dibdib ko, mas kumikirot ang puso ko. Pilit ko namang pinipigilan ang pag tulo ng luha ko.


Hindi ako dapat umiyak, hindi na dapat.


"Chriz—"


"—Ito na ang huling beses na lalapit ka sa akin." Walang emosyong sabi ko. Huminga muna ako ng malalim bago sinalubong ang tingin niya, "Ito na ang huling beses na ha-halikan mo ako."


Hindi ko na siya hinintay pang magsalita, lumabas na ako sa kwarto ni Jack at naglakad papunta sa nakita kong doctor pero naagaw ng isang tao ang atensyon ko.


Ilang beses akong kumurap at kinusot ko na rin ang mata ko para makitang totoong siya nga ang nakatayo sa tapat ng elevator.


"Ms, anong nangyari sa'yo? Bakit dumudugo ang palad at leeg mo?" Rinig kong tanong ng doctor sa akin pero hindi ko siya pinansin.


Damang dama ko ang bilis ng tibok ng puso ko nang lampasan ko ang doctor at naglakad ako palapit sa taong 'yon. Hindi ko maikurap ang mga mata ko at mas binilisan ko ang lakad ko nang makitang bumukas ang elevator at pumasok siya don.


"N-no." Tumakbo ako papunta sa nakasarang elevator na at ilang beses na pinindot ito pero nakababa na ang elevator.


"Hindi, hindi pwede." Mahinang turan ko bago lakad takbong pumunta sa hagdan. Maraming tao akong nababangga at rinig na rinig ko ang nga galit nilang tono pero isinawalang bahala ko ang lahat ng iyon.


Hinihingal na huminto ako sa ground floor, agad ko namang tinignan ang elevator pero ibang tao na ang nag sisi babaan don.


Saan siya huminto?


"Miss, excuse me!" Hinawakan ko ang isang babaeng kalalabas lang sa elevator.


"A-ano po 'yon?" Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, gusto kong ma offend pero wala 'yon sa isip ko sa ngayon.


"May nakasakay ba kayo na matangkad na lalaki? Gwapo siya, matangos ang ilong tapos...tapos naka blue shirt?" Mabilis na tanong ko. Napansin ko namang nag isip ang babae at mas nadagdagan ang pag asa ko nang magliwanag ang mukha niya.

The Bloody Scorpions' QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon