Third person's pov
"A-anong pinagusapan niyo? Is s-she okay??" Nanginginig ang boses na tanong ni Crizel nang makalabas si Kody sa malaking kwartong ibinigay sa kanila ni Doctor Sanchez.
"She's... she's good," Kody cleared his throat before looking at his best friend. "I-I'm glad na buhay kayo." Tipid na ngumiti si Kody at tinungo si Alex para kamustahin.
"Let's go inside—"
"—no!" Agad na putol ni Kody kay Alexzander nang agad niya itong marinig.
"Excuse me??" Gulat na tanong ni Crizel.
May pagtatakang ekspresyon namang tumingin ang lahat kay Kody at nag hihintay ng sagot.
"Uh, you're acting weird, tito." Si Hunter.
"I mean, you can't go inside pa." Si Kody after a couple of minutes na walang imik at nakatingin lang sa matalik niyang kaibigan na si Alexzander.
Hindi niya alam pero parang biglang may gap sa pagitan nilang dalawa. Parang may nagbago. Matagal nawala ang kaibigan niya at ngayon lang bumalik, dapat ay masaya siya pero may iba siyang pakiramdam na hindi niya mapangalanan.
"B-but why?" Si Crizel.
"She wants to rest," agad na sagot ni Kody.
"That's why we're going in and stay by her side," kunot ang noo na sabat ng ama ni Chrizshel.
Matunog na napangisi naman si Kody. "Hindi pwede." Huminga ng malalim si Kody at napatingin din sa pinto nang bumukas ito at iniluwa si Kade na mukhang pasan ang problema ng mundo.
"What's the matter? Bakit hindi ako pwedeng pumasok sa kwarto ng anak ko, Kody?" Hindi na napigilang tanong ni Crizel. She's starting to get pissed. Gusto na niyang makita ang anak at mayakap ito ng walang ibang nakaharang.
She missed her daughter.
"Dahil ayaw niya," si Kade na ang sumagot kaya nalipat naman sa kanya ang tingin ng lahat.
Muling napahinga ng malalim si Kody at bago pa man makapagtanong si Crizel, nagsalita na si Kody.
"Just give her time," Mahinang sabi ni Kody pero sakto lang para marinig pa rin ng lahat.
Bukod sa mga magulang ni Alexzy at Chrizshel, kunot din ang noo ng bloody scorpions at kating kati na rin malaman kung ano ba talaga ang nangyayari.
Samantalang si Ash at Elliza naman ay nanatiling tahimik dahil malakas na ang kutob nila sa kung ano ba ang meron. Ash expected this to happen, he knows that it will happen at alam niyang sobrang laki ng kasalanan niya sa kaibigan and he understand it very well. Sino nga ba naman ang hindi magagalit? Hindi na inaasahan ni Ash na pasasalamatan siya ni Chrizshel. Kaibigan niyang matalik si Chrizshel at ginawa niya ang mga bagay na sigurado siyang ikagagalit ng kaibigan.
BINABASA MO ANG
The Bloody Scorpions' Queen
Action"How far are you willing to go for your family? What are you willing to do to make those around you happy, including yourself? Are you ready to risk your life for the people you love? Are you willing to do anything for your sibling? The answer is ye...