Nakarating ako sa bahay ng maayos pa naman. Mabuti na lang talaga at mukhang nasa kusina si Manang at Alexzy, makakapag isip pa ako ng magandang dahilan.
Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila ang totoo dahil sigurado akong takot at pag aalala lang ang mararamdaman nila at ayoko non. Pinangako ko sa sarili ko na mas iingatan at po-protektahan ko sila, ayokong maulit pa yung trahedyang nangyari kay Alexzy kaya kung kina-kailangang maglihim ako, maglilihim ako.
Dumeretsyo ako sa kwarto ko para maglinis ng katawan at makapagbihis. Nang matapos ay tinawagan ko si Arsen, ayoko man silang istorbohin pero mas maigi na na mapadali ang pagkalap ko ng impormasyon, ayokong may iba pa na madamay lalo na't hindi ko kilala ang siraulong lalaki kanina.
"Hello?"
"Hello, Arsen? Busy ka?" Umupo ako sa kama na nauwi sa paghiga, parang hinihila ako ng kama patulog. Nananakit ang buong katawan ko dahil sa mga suntok at sipa na hindi ko naiwasan.
"Hindi naman, bakit?" Tanong ni Arsen na mukhang lumayo pa dahil medyo malayo na ang maingay na background.
"May information lang akong need," Sagot ko. "Pero tayong dalawa lang muna sana ang makaalam nito," dagdag ko.
Ilang minuto ring natahimik ang linya kaya kumunot ang noo ko.
"When did you learn to keep secrets from us?" Rinig kong tanong ni Draven kaya natameme ako.
"Information about?" Tanong ni Arsen.
Tumikhim naman muna ako bago muling nagsalita. "Kanina habang pauwi ako..." I paused. Nagdadalawang isip ako, ayokong mag alala sila pero kailangan kong magsabi.
"Ano?" Si Ash na mukhang hindi na makapag hintay.
"Kanina habang pauwi ako, merong humarang sa akin," deretsyong sabi ko na. "Hindi ko alam ang pangalan niya kaya tinawagan kita, Arsen. Gusto kong malaman kung sino ang may ari nung white van na ginamit nila. VCU 2284." Huminga ako ng malalim at nginatngat ang daliri ko.
"Anong ginawa nila sa'yo?" Rinig kong tanong ni Zane. Mahina naman akong napabuntong hininga.
"Wala, gusto lang nila akong isama sa kanila pero hindi ako pumayag," pagsisinungaling ko.
"I don't believe you, Chrizshel," si Nash.
"Uuwi na kami," si Apollo.
"Ha? Wag na, mag enjoy lang muna kayo jan. Ayos lang naman ako." Kinagat ko ang ibabang labi. Parang mas gusto ko na lang makipag bugbugan at makipag patayan kesa magsinungaling. Ayaw na ayaw ko talagang nag sisinungaling pakiramdam ko kasi sunog na sunog na sa impyerno ang kaluluwa ko.
BINABASA MO ANG
The Bloody Scorpions' Queen
Action"How far are you willing to go for your family? What are you willing to do to make those around you happy, including yourself? Are you ready to risk your life for the people you love? Are you willing to do anything for your sibling? The answer is ye...