Chapter 30

399 25 0
                                    


~Flashback~


Tatlong araw na ang lumipas pero hindi pa rin siya nagigising, tatlong araw na akong nandito at kinakausap siya pero hindi pa rin siya nagigising.


"Ate, you need to rest. Kami na lang muna ni Manang ang magbabantay dito." Mahina at puno ng lungkot ang boses ni Alexzy na inilingan ko.


"No, I'll stay here." Matigas at puno ng pinalidad na sagot ko. "Gusto kong ako ang una niyang makikita pag gising niya."


"Pero kailangan mo rin magpahinga ate, maraming dugo rin ang nawala sa'yo."


"Magaling na ang sugat ko, kaya hayaan niyo na ako."


"Ate—"


"—Alex, please." Pinikit ko ang mata para pigilan ang inis, huminga rin ako ng malalim at muli nang idinilat ang mata ko. Kanina dumaan ang papa at step mom ni Alec dito, gusto nilang sukuan ko na lang ang anak nila, gusto nilang ipatanggal na ang life support ni Alec.


Napakadali para sa kanilang gawin 'yon, napakadali para sa kanilang sukuan ang anak nila. Kaya pa ni Alec, magigising pa siya. Hindi niya ako iiwan. Nangako siya sa akin at yung pangakong 'yun ang panghahawakan ko.


Nanatili ako sa tabi ni Alec hanggang sa maglimang araw na siyang nakahiga at walang malay pero sa ikaanim na araw, pagpasok na pagpasok ko sa ICU gumising siya. Lumaban siya. Nakita kong muli ang ngiti niya, naramdaman kong muli yung titig niyang punong puno ng pagmamahal.


"Alec, omygad! I'll call the doctors!" Lumuluhang anas ko at aalis na sana pero mahigpit niyang hawak hawak ang kamay ko.


Nanlalaki ang mga matang napatingin ako sa kanya nang tanggalin niya ang oxygen sa bibig niya gamit ang libreng kamay.


"Alec, stop! Don't do that." Binalak kong ibalik ang oxygen niya pero pinigilan niya ako.


"C-chrizshel..." Banggit niya sa pangalan ko. Tuloy tuloy naman ang pagtulo ng luha ko hanggang sa nakagat ko na lang ang pangibabang labi para mapigilan ang mga hikbi ko.


Pangalan ko pa lang ang binanggit niya pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang ang sakit? Parang nadudurog ako.


"Alec..." Pinunasan ko ang luha ko. "Wait me here, okay? Stop talking, save your energy, I'll call the doctors." Muli akong nagtangkang umalis pero hindi niya pa rin inaalis ang kamay niya at mas humigpit pa ito kaya naman ang pulang button na lang ang pinindot ko na dapat ay for important emergencies lang.


"I don't have a lot of time, Chrizshel." Nanghihinang ani niya at para namang may kung anong tumusok sa dibdib ko, nilukob na rin ng kaba ang buong sistema ko.

The Bloody Scorpions' QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon