"Hindi ka pa ba babangon?" Tanong ko kay Kade pag labas ko ng banyo.
Nakahiga pa rin siya sa kama ko na para bang wala siyang balak bumangon ngayong araw na 'to, balot na balot ang katawan niya ng kumot maliban sa ulo niyang nakalabas at para bang pinipigilan ang antok.
"I'm sleepy pa," he answered bago nag talukbong ng kumot.
Hindi ko naman na siya ginulo pa at nagpatuloy na lang sa pag aayos sa sarili. Nang matapos, bumaba na ako.
"Goodmorning!" Masiglang bati ko. Humalik ako sa kapatid ko.
"Where's Kade?" Tanong ni Kody nang siya naman ang bineso ko.
"Still sleeping, wala atang balak bumangon," sagot ko bago umupo sa pwesto ko. "Ano ba kasi ang naisipan niyo at bigla kayong nag inuman kagabi?" Kunot ang noo ngunit malumanay ang boses na tanong ko.
"Bonding lang," sagot ni Ares na inilingan ko na lang.
"Boy's night out," Si Draven.
"Yeah, pero parang siya lang ang lasing na lasing." Inirapan ko sila at nagpatuloy na sa pagkuha ng umagahan.
"What? No ha! Lasing kaya kaming lahat," Si Ash.
"Nyenye," I mocked. "Nagpaalam ba silang iinom, Manang?" Bumaling ako kay Manang Ems na tahimik na kumakain.
"Nagpaalam silang onti lang ang iinumin," magalang na sagot ni Manang. "Tapos hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa kanila dahil panay pilit sila sa aking matulog na at wag na raw silang bantayan," dagdag niya pa.
Napailing naman ako at sinamaan ng tingin ang mga nahagip ng mata ko.
"What? Minsan lang kaming mag enjoy, eh," katwiran ni Dash.
"Kahit pa! Makalaklak kayo ng alak kala niyo kaya niyo na ang mga sarili niyo," sermon ko at wala namang sumagot ni isa sa kanila.
"Sorry." Napalingon ako kay Damon na nakayuko at hindi ginagalaw ang pagkain.
I tsked.
Parang ako pa tuloy ang may kasalanan! Anlakas mangonsensya ng isang 'to.
"Fine, kumain na." Sinenyasan ko si Hunter na lagyan ng hotdog ang plato ni Damon dahil magkatabi lang naman sila.
Hindi ako nagagalit na uminom sila, nagagalit ako na nagpakalasing sila, or baka nga si Kade lang ang talagang nalasing. Nagising ako ng madaling araw dahil sa ingay ni Kade kanina sa tabi ko, he's mumbling something na hindi ko naman maintindihan dahil bukod sa lasing na lasing siya eh nabubulol rin siya at parang kinakain niya ang mga sinasabi. Kaya kahit hindi ako makatulog ng maayos, hinayaan ko na lang siya. Ni hindi ko nga alam na andito pala silang lahat, eh.
BINABASA MO ANG
The Bloody Scorpions' Queen
Action"How far are you willing to go for your family? What are you willing to do to make those around you happy, including yourself? Are you ready to risk your life for the people you love? Are you willing to do anything for your sibling? The answer is ye...