Chapter 63

99 7 0
                                    


I woke up and it's tanghali na! Great! Hindi man lang ako ginising ni Kade. Wala na siya sa tabi ko at hindi ko alam kung maiinis ba ako o hahayaan na lang siya. Parang ang weird ng feeling ko ngayon.


"Goodmorning, ate!!" Napaupo ako nang bumukas ang pinto at tuloy tuloy na pumasok si Alex sa kwarto ko.


"Alex! Next time kumatok ka!" Medyo iritang turan ko.


"Sorry!" Hinging paumanhin niya.


"Odiba! I told you to knock first!" I heard Elsie said and nandito rin pala siya kasama ang ibang girls.


"Ayan tuloy napagalitan ka," Rinig kong bulong ni Leah. Nginusuan niya lang sila at tumabi na sa akin.


"Bakit andito kayong lahat?" Tanong ko bago humikab. I'm still sleepy. Parang mas gusto kong matulog na lang magdamag mygad! "And where's Kade?" Tanong ko.


"He's out kasama ang boys and syempre inggit kami kaya mag girls bonding din tayo!" Taas baba ang kilay ni Elliza habang papalapit sa akin.


"Anong oras?" Tanong ko. Muli akong humiga ngunit hinila lang ako ni Leah at Bianca kaya muli akong napaupo.


"Ngayon na kaya maligo kana at mag ayos!" Si Bianca.


"Bakit ngayon na agad? Tanghaling tapat pa lang!" Reklamo ko.


"Ate, sa labas tayo kakain and kasama natin si Manang so let's g na!" Maarteng turan ng kapatid ko kaya nakangiwi akong napatingin sa kanya na tinawanan lang ng loka loka.


For sure nahawa na 'to kay Elsie, nagkakahawaan lang naman sila ng ugali dito sa bahay, eh. Kanya kanyang pag adopt ng pag uugali. Okay lang din naman, hindi naman nakakainis.


"Go na!" Si Leah na tinulungan pa ako sa pag tayo. Inalalayan niya rin ako papunta sa cr kaya kunot ang noo ko siyang tinignan.


"Makaalalay ka naman parang may sakit ako," Asar ko.


"Syempre mahirap na! Baka mamaya ay madulas ka at mabagok ang ulo mo," si Bianca.


"Oo nga! Mayari pa kami kay Kade kaya sige na ligo na!" Pasigaw ngunit malambing pa rin ang boses ni Leah kaya napahinga na lang ako ng malalim at sinarahan na sila ng pinto. Hinubad ko na ang damit ko at tuluyan ng naligo, para namang nawala ang antok ko dahil sa lamig ng tubig.


Nang matapos ay pumasok ako sa walk-in closet ko na konektado lang din sa cr. Isang black skater dress lang ang sinuot ko na pinaresan ko lang ng white three-inch heels ko. I put lipstick lang and inayos ko lang ang buhok ko then lumabas na ako.


I saw them na naka ready na rin sadyang nag aantay lang sila dito sa kwarto ko.


The Bloody Scorpions' QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon