"You think matatakot mo kami?"
"Why? Mukha ba akong nananakot lang?" Taas ang kilay na tanong ko. "Natakot ba kayo?"
"Well, your tone and expression—" Sabat din ng isa na hindi ko na pinatapos. "—so natakot nga kayo?" Napangisi ako nang walang marinig na sagot sa kanila.
"Matapang kang talaga, sino kaba?" Mayabang na tanong ni Kade.
"Baka pagsisihan mo pag nakilala mo," mayabang din na sagot ko. Ano ba talaga ang gusto ng kumag na 'to? Away ba o puro yabang lang? Nakakaloka. Kinakain ng kayabangan niya ang precious time ko! Imbis na sana naghahanap ako ng crush!
"Ha? Wala sa bokabolaryo ko ang magsisi!" Seryosong sagot niya bago bumaling sa grupo niya. "Alam niyo na gagawin niyo." Agad naman akong napalingon sa likod namin.
Biglang hinila ng isang lalaki si Leah kaya naalarma ako.
"Bitawan niyo siya," malamig na utos ko. "Ako ang kailangan niyo diba? Release her." Kita ko ang takot sa mga mata ni Leah. Tinignan ko ang lalaking humawak sa kanya pagkatapos ay tinignan ko naman ang kamay niyang nakahawak kay Leah. Hindi masyadong mahigpit at saktong sakto lang. He's a fine man, and medyo bagay sila ni Leah infairness.
"Why would they let her go? No one stood up against me, and as an ordinary woman... You're so brave." Nakangising puri niya sakin. Oo, para sa akin ay pinupuri niya ang katapangan ko. Nginitian ko siya, ngiting nangaasar. Kung tutuusin kanina pa ako nanggigigil sa mga 'to. Gustong gusto ko na silang pag hahampasin ng mga dala nilang baseball bat.
"Is that so?" I asked gently. "Achievement pala 'to 'no? Ako ang unang kumalaban sayo?" Pang aasar ko. "Oh wait, let me rephrase my sentence. Babae pa ang unang kumalaban sayo. Masakit ba sa ego kaya para kang batang nag ta-tantrums?" Nakangising tanong ko.
Nakita kong nagdilim ang mukha niya at muli niya akong binigyan ng isang masamang tingin. I really love teasing him. Bilis mag init ng ulo. Napaka pikon.
"Bitawan niyo si Leah, hindi niyo magugustuhan pag gumalaw ako." Mahinanong banta ko sa kanila at binigyan sila ng tingin isa-isa padami na rin ng padami ang mga nanonood samin na mas lalo ko lang kinainis dahil wala man lang ni isa ang gumagalaw para pahintuin 'to.
"Dapat ba kaming matakot Ms. Sanuki?" Maangas na tanong ng isa.
"Hindi naman, pero kung anong sinabi ko dapat niyong gawin." Nakangiti kong sagot sa kanya na ikinangisi niya, hindi ko nga lang alam kung ano ang ibig sabihin ng ngisi na 'yon. "Saka ganyan ba kayo kaduwag? Gumagamit pa kayo ng ibang tao para lang magawa ang gusto niyo, funny," komento ko pa na mukha hindi nila nagustuhan.
"Ano ba ang kaya mong gawin?" Mayabang na tanong ni Kade. "Nasuntok mo lang ako ng isang beses feeling mo naman makakaya mong gawin ulit 'yon, babae ka lang." Natatawang pangiinsulto ni Kade na hindi pinansin ang huling sinabi ko kaya tinignan ko siya ng masama.
BINABASA MO ANG
The Bloody Scorpions' Queen
Action"How far are you willing to go for your family? What are you willing to do to make those around you happy, including yourself? Are you ready to risk your life for the people you love? Are you willing to do anything for your sibling? The answer is ye...