Chapter 42

53 4 0
                                    


"Ate, anong plano mo sa pasko?" Tanong ni Alex na kakapasok lang sa kwarto ko at kusot kusot pa ang mata dahil sa antok.


Start na ng Christmas break namin kaya naghahanda na kami sa mga ilalagay na mga decoration dito sa bahay. I'm still undecided pa kung kila Kody kami mag papasko or dito na lang ba sa bahay. I'm thinking about our transportation, may mga sasakyan nga kami pero paano kung sa kalagitnaan ng pag punta namin sa kabilang bahay, eh, may humarang sa amin? Nasa akin pa rin si Tammy at habang tumatagal ang araw na wala si Prof Kim dun naman may pumupunta dito na nagsasabing tiyuhin o di kaya ay nanay sila ni Tammy na nakakainis na.


Mabuti na nga lang at hindi pa gaanong tinotopak si Tammy, iiyak lang siya pag gutom, pag inaantok o pag may masakit sa kanya.


Pumasok naman ako sa iilang araw na meron ako bago mag chrismas break, humabol ako sa mga lesson at nakahabol naman ako dahil na rin sa tulong ng notes ni Leah at dahil na rin sa bloody scorpions na tinuruan ako. Mabuti na lang din at nagbibigay ng special exams ang mga profs ko kaya mas nakakabawi ako.


"Inaantay ko pa ang desisyon ni Kody at saka kung uuwi sila lola kaya baka dito tayo."


"Uuwi sila?" Tanong ni Alex na mukhang nagising na ang diwa.


"Hindi pa naman sure, ang sabi ni Kody ay before or after Christmas."


"Kung naririnig ka siguro ni tito Kody baka nagtampo na 'yon."


"Bakit?" Tumaas ang kilay ko at tinignan siya. Nasa mga damulag ko si Tammy kaya wala akong ibang ginagawa ngayon kundi ang mag tupi ng damit ni Tammy at iilang damit naming lahat.


"You keep on calling him by his name, eh, diba ang sabi niya call him daddy daw?"


"Eh, hayaan mo na. Sinasanay ko pa ang sarili sa pag tawag sa kanya ng daddy at saka nakakailang kaya minsan, parang nung kelan lang wala akong galang sa kanya tapos ngayon daddy na ang tawag ko."


"Ate, daddy ang tawag mo sa kanya pero wala ka pa rin galang."


"Aba! Hoy..." Nahinto rin ako sa gagawin sanang pag defend sa sarili nang ma-realize na tama nga naman din kasi siya.


"Odiba, natahimik ka." Tumatawang asar ni Alex kaya napairap ako.


"Lumabas kana nga! Ginugulo mo ang pananahimik ko!" Kunwari'y inis na turan ko pero ang bruha ngumiti lang at umupo pa sa single sofa na nasa harap ng balcony sa gilid na part ng room ko.


"It's odd," Saad ni Alex habang nakatulala sa labas ng balcony.


"Why?" Tanong ko na nagpatuloy na lang sa ginagawa.


"Never umuwi sila lolo at lola pag pasko, nakakapagtaka lang na parang biglaan naman, I mean... oo sumusulpot sila out of nowhere pero never natin silang nakasama pag Christmas kaya nakakapagtaka."

The Bloody Scorpions' QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon