Chapter 59

45 4 0
                                    


Just like what they've said, pagsisisihan ko ang ginawa ko at sobra sobra akong nagsisisi ngayon. Pumunta ako sa bahay nila Chrizshel the day after we broke up. Sinalubong ako ng suntok ni Damon na tinanggap ko naman. Gago ako, eh.


They're all mad at me.


Gusto kong hilingin na intindihin nila ako pero kahit saang anggulo tignan, maling mali ako. Kahit ata ang limang taong gulang na bata ay malalaman na kung ano ang kamalian ko. I'm expecting na rin na mahihirapan ako sa panunuyo kay Chrizshel kaya hindi na ako nagulat noong hindi niya ako kinausap at hindi niya ako binaba. Like what I've said, this is my fault.


I'll face the consequences of my action.


Marami akong dapat baguhin sa sarili ko at dapat na akong mag simulang magbago kung gusto kong manatili sa tabi ko si Chrizshel. It's not easy pero gagawin ko. Alam kong gaya ko, nagaalala lang din sila ang kaibahan lang namin, ako umalis, sila nanatili.


"We told you na hindi ka na nga kakausapin ni Chrizshel, she made up her mind. Panindigan mo kung ano ang sinimulan at mga binitawan mo," si Damon na hanggang ngayon ay galit pa rin sa akin.


Lihim akong bumuntong hininga. "I'll wait her," mahinang sagot ko bago tipid na ngumiti.


"Whatever," si Arsen na nakatutok sa laptop ang mga mata.


"You're waiting para sa wala," matabang na turan ni Draven. Katabi niya si Elsie na nakatitig lang sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya, hindi ko rin mabasa ang ekspresyon ng mukha at mga mata niya. Hindi naman na mahalaga 'yon pero ang uncomfortable lang. It's like, she's judging my soul.


"I'll wait her," mahinang sagot ko na lang.


It's my third day sa pagbalik ko dito. Nung unang punta ko hindi niya ako binaba, I waited for five hours. Kahapon ganon rin, hindi rin siya bumaba kahit pa umaga hanggang gabi akong nag aantay sa kanya. I know na galit siya at ayaw niya akong kausap but I'm still hoping, galit lang siya ngayon at handa akong mag antay kahit gaano pa katagal basta makausap ko lang siya at mabawi siya.


I took a deep breath at saktong pag buga ko ng hangin ang siyang pagsulpot pababa ni Alexzy. Agad akong napatayo. Puno ng pag asa ang dibdib ko at para bang gusto ko na lang siyang salubungin.


"Anong sabi? Makikipag usap na ba siya sa akin?" Puno ng pag asang tanong ko kay Alexzy.


"Asa ka naman," si Zane na kunwaring may binabasang magazine.


Hindi ko siya pinansin at hinintay lang na makalapit si Alexzy sa akin. "I'm sorry, Kuya Kade. Bumalik kana lang po sa ibang araw. She needs space and time to think," malumanay na balita ni Alexzy sa akin kaya dahan dahan akong muling napaupo.


"Don't worry, kuya! Kakausapin ka rin ni ate, just give her time." Alexzy smiled at me pagkatapos ay tumalikod na at umalis.

The Bloody Scorpions' QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon