Kade's pov
Andito pa rin kami sa loob ng bahay at nakatambay sa sala, hating gabi na at wala pa rin kaming ginagawa. Hindi naman namin kinausap agad si Karianna dahil nag collapse siya kanina at ngayon lang gumising na inasikaso naman agad nila Blade dahil wala pa nga talaga siyang kain.
Kating kati na akong magtanong at isama siya para maituro niya kung nasan si Chrizshel at alam kong hindi lang ako ang ganon ang nararamdaman dahil kitang kita ko sa mga mukha ng bloods at ng iilang scorpions ang pagkainip.
"Natapos din siya," rinig kong sabi ni Hunter na siniko naman ni daddy.
"Gusto mo bang magpahinga muna?" Pormal na tanong ni Daddy kay Karianna na inilingan naman nito bilang sagot kaya nakahinga ako ng maluwag.
Akala ko ay mag hihintay na naman kami, eh.
"So, paano mo nalaman kung nasaan si Chrizshel?" Tanong ni daddy.
"Uh, I'm following Owen since day one," mahinang sagot niya.
"So, kaya ka nag transfer dahil kay Owen?" Tanong ni Daddy na inilingan ni Karianna.
"Nag transfer ako para kay Chrizshel, sumakto lang na biglang lumitaw si Owen kaya sa kanya napunta ang atensyon ko." Huminga ng malalim si Karianna.
"Ano naman ang kailangan mo kay Chrizshel?" Ash asked. Kunot ang noo niya at mukhang hindi nagustuhan ang impormasyong nalaman.
"I just wanna know something," Malungkot ang ngiting sagot niya.
"Nalaman mo naman ba ang gusto mong malaman?" Si daddy.
"Oo, at madami rin akong gustong sabihin sa kanya," sagot ni Karianna kaya napahinga ako ng malalim.
"Where's Chrizshel?" Deretsyong tanong ko nang tumingin siya sa akin. Tama na muna ang tanungan, kailangan kong malaman kung nasan si Chrizshel.
"Tell us na para makuha na namin siya at makapagbayad na ang Owen na 'yon!" Inip na inip na sabi ni Apollo.
"Hindi niyo siya agad makukuha," mahina ngunit malinaw sa pandinig na sabi ni Karianna.
Nagsalubong ang kilay ko, "What do you mean?"
"Pwede niyo siyang makuha pero hindi agaran, kailangan ma plano muna ang gagawin niyong kilos nang sa ganon ay hindi madamay ang mga naka tira sa building kung nasaan sila Chrizshel." Nakatingin sa kawalang sabi ni Karianna.
"Wait, ibig mong sabihin nasa hotel sila?" Si Dash.
BINABASA MO ANG
The Bloody Scorpions' Queen
Action"How far are you willing to go for your family? What are you willing to do to make those around you happy, including yourself? Are you ready to risk your life for the people you love? Are you willing to do anything for your sibling? The answer is ye...