Chapter 27

454 25 0
                                    


"Ano tara na?" Excited na tanong sakin ni Damon nang makababa ako, tumango ako sa kanya at nakangiting pumunta sa pwesto ni Alexzy.


"Mag behave ka ha! Wag mag papasaway kay Manang," bilin ko at parang bata naman siyang tumango, hinalikan ko siya sa noo at humalik din ako kay Manang.


"Aalis na kami! Yung mga bilin ko ha!" Nakangiting paalam ko habang nag lalakad kami palabas ng pinto.


"After party balik pasok na naman." Inaantok na reklamo ni Hunter.


Napahikab naman ako dahil kahit ako ay inaantok pa rin. 2 days na ang nakalipas mula nung birthday ni Damon at ngayon ay monday na naman.


I really hate monday talaga.


Nang makarating kami sa school halos lahat na naman ay nakatingin samin. Magaling na magaling na ang mga sugat ko kaya nakakapagligalig na ulit ako, nakakapanghinayang nga lang dahil may mga naiwan na peklat pero ayos na rin 'yon. Gusto kong manatili ang mga peklat na 'to sa katawan ko para magsilbing palatandaan sa mga hirap na dinanas ko, magsisilbing lakas ko rin ang mga peklat na 'to para sa mga susunod na problemang kahaharapin ko pa.


"May balita ba kayo kay Owen?" Tanong ko habang naglalakad kami. Napagalaman kong sumama ng kusa si Owen sa punisher, ang akala ko ay aalis siya at magtatago pero mali ako.


"Wala na kaming balita sa kanya," Sagot ni Arsen na tinanguan ko na lang.


Nag aalala ako para kay Owen, I know na dapat magalit ako dahil sa ginawa niya pero malaki ang parte sa katauhan ko na nagsasabing intindihin na lang siya dahil nagmahal lang din siya, sa maling paraan nga lang. Gusto ko siyang makausap at kamustahin pero paano ko naman magagawa 'yon? Hindi ko alam kung saan siya dinala ng punisher na 'yon.


Isa pa 'yang punisher na 'yan, akala ko dati ay hindi totoo na may ganyan pero ngayon naniniwala na ako. Damn, I need to dig deeper! Hindi pwedeng nakikipagbasag ulo lang ako, kailangang may malaman din ako kahit pa-paano.


"Ang seryoso mo! Hindi kami sanay." Bulong sakin ni Apollo. Napatingin ako sa kanya at deretsyo lang siyang nakatingin sa dinadaanan namin.


"Sorry, wala lang talaga ako sa mood at inaantok pa rin ako." Walang ganang sabi ko at nang makarating na kami sa room hindi na kami muli pang nag kibuan. Habang nasa kalagitnaan ng pag tuturo ang prof namin bigla namang may kumatok.


"Excuse me," Sambit niya at bigla namang nag pakawala ng hininga ang mga kaklase namin na nahihirapan sa math at kahit ako nahihirapan. Wala akong favorite subject dahil hindi naman ako nag sisipag mag aral. Math ang pinaka hate kong subject at sa math din ako pinaka mahina.


Hays, mas madali pa makipaglaban kesa mag solve ng problem! Tsaka yung x and y na yan! Nahihilo na ako dahil sa paulit ulit na pagsusulat at pagbabanggit ni prof!


Bumalik ang prof namin at nakita ko naman na tinignan niya ako at si Kade.


The Bloody Scorpions' QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon