Tulog na ang lahat nang maisipan kong bumaba para uminom ng tubig. Hindi pa rin ako nakakatulog dahil maya't maya ang iyak ni Tammy. Hindi ko naman siya maibigay sa iba dahil mas lalong pumapalahaw ng iyak. Mabuti nga at nakatulog siya ngayon pero sigurado ako na mayamaya lang ay magigising at iiyak na naman siya kaya mabilis ang kilos ko.
Nasa pinto na ako ng kusina nang maaninag kong may nakaupo sa bar stool ng island counter. Binuksan ko ang ilaw na ikinagulat ni Dash, siya ang nakaupo sa bar stool.
"Bakit hindi ka nag iilaw?" Mahinang tanong ko. Bumaba naman ang tingin ko sa hawak niyang baso. "At alam mo bang malalagot ka kay Manang dahil hindi niya pinapagalaw ang mga alak sa mini bar?" Dagdag ko pa.
"Inom ka?" Aya niya sa akin.
Umiling ako at tumungo sa ref para kumuha ng tubig.
"May problema ba?"
"Wala naman, hindi lang talaga ako makatulog," Sagot ni Dash.
Nangunot naman ang noo ko. "Why? Makulit ba matulog si Zane?" Tanong ko bago uminom sa baso ko.
"Kilalang kilala mo na talaga sila 'no?"
Ibinaba ko ang baso at tipid ang ngiting tumango kay Dash. "Sometimes, some people are calling me their mom." Mahina akong natawa at umupo na rin sa bar stool. "Sa akin lang daw kasi sila nakikinig, sa akin lang natatakot at sumusunod. Naging dantayan namin ang isa't isa noong mga panahong hirap na hirap kami sa mga problema namin hanggang sa hindi na kami mapaghiwalay," kwento ko. "Kahit ang iba sa magulang nila ay nagagalit sa akin dahil mas gusto pa ng mga anak nila sa akin."
"May nang away na sayo na magulang nila?"
"Wala pa at sana ay wala." Mahina akong natawa. "Kinausap lang nila ako at salamat na lang talaga dahil walang nagtangkang manakit o takutin ako, hindi ko sila uurungan kahit pa anak nila ang mga kaibigan ko."
"Sinubukan mo na ba silang pauwiin sa mga bahay nila?" Ininom ni Dash ang hennessy X.O na nasa baso niya. Naiingit tuloy ako, gusto ko rin uminom pero paano si Tammy? Walang mag aalaga sa kanya pag uminom ako.
"Oo naman, ang kaso bumabalik at bumabalik pa rin sila." Tipid akong ngumiti at the same time ay nagu-guilty.
Gusto kong makasama ang mga magulang ko pero sila iniiwan nila ang pamilya para sa akin, para magkasama kami. Ang unfair lang sa part ng magulang nila at kung ako man ang nasa posisyon nila malulungkot talaga ako sobra. Pero sigurado akong may problema sila sa sa pamilya kaya nasa akin sila, kilala ko sila. Hindi sila aalis sa lugar na komportable at masaya sila. Nagkataon lang na, pinagsasama sama talaga kami ng tadhana.
"Mukhang malalim na talaga ang mga pinagsamahan niyo."
BINABASA MO ANG
The Bloody Scorpions' Queen
Action"How far are you willing to go for your family? What are you willing to do to make those around you happy, including yourself? Are you ready to risk your life for the people you love? Are you willing to do anything for your sibling? The answer is ye...