"I know, Ms. Sanuki. But as your Dean kailangan niyong maparusahan para hindi na kayo umulit pa," pagpapaliwanag ni Dean na lihim ko namang ikinatawa.
Ano 'to? Joke? Saka bakit ako? Eh ako na nga yung muntik na mabanatan, and take fucking note! Sa loob pa mismo ng eskwelahan. What a joke! I'm the fucking victim!
Ikinalma ko ang sarili, ayokong makapagsalita nang kung ano na sigurado akong mapagsisisihan ko sa huli. "Ilang beses niyo na pinarusahan ang mga taong nadadala dito dahil sa anak niyo?" Deretsyong tanong ko. I want to be calm pero umiinit lang lalo ang ulo ko sa nakikitang reaksyon ng mga bwiset na 'to, para bang sanay na sanay na sila sa ganito.
Nakita kong nag isip si Dean and that's my cue para magsalita ulit. "I guess marami na, you can't even give numbers." I smirked. Hindi ko gustong mangasar pero hindi rin naman ata tama kung ako lang ang naaasar sa mga walanghiyang 'to.
Napayuko naman si Dean, he looks embarrass, pinatunayan niya lang ang nasa isip ko. I felt bad for him, siya ang sumasalo ng kahihiyan na dapat para sa anak niyang mukhang gago. Mabait naman ang ama pero ang anak? Medyo tabingi tayo don. Tsk, imbis na si Kade ang maging role model ng mga students dito, siya pa ang kinatatakutan at nagsisimula ng gulo. Kulang sa aruga? O papansin lang talaga? Mukha namang mahal siya ng tatay niya, mukha rin namang maayos ang pagpapalaki sa kanya. Anyare?
"Ang sabi mo kanina, kailangan naming maparusahan para hindi na umulit pa? Eh, bakit ganun? Madaming beses na pala silang nadala dito pero bakit walang nagbabago?" Tanong ko at hindi naman siya nakapag salita. "O baka naman yung mga biktima lang din nila ang napaparusahan kaya nakakaulit pa rin sila?"
Hindi sumagot ang ama ni Kade. Nakatingin lang ito sa akin at para bang may sinasabi ang mga mata niya pero pinanatili ko ang postura ko. Aba! Hindi ako papayag na maparusahan sa isang bagay na hindi ko naman ginawa, pinagtanggol ko lang ang sarili ko.
"Hindi ba't parang wala namang kwenta ang parusa kung ang puno't dulo ng gulo hindi naman nagtitino?" Tuluyang nawalan ng imik si Dean kaya napangiti ako. "Aren't you wasting my time, Dean?" I don't want to be rude but sobra na talaga akong naiinis.
"At isa pa, bakit pati ako mapaparusahan? Samantalang ipinagtanggol ko lang naman ang sarili ko sa pambubugbog na gagawin nila sa akin. Isn't it unfair? Ako na ang muntik mapahamak tapos ako pa ang mapaparusahan." Dismayado akong nagbuga ng hangin. "If you really want to push your decisions then I'll make legal actions, muntik na akong mabugbog sa mismong loob ng paaralan niyo. It's alarming and knowing na marami na palang ganitong cases dahil sa anak niyo, sa tingin niyo, saan kaya siya pupulutin?" Seryosong sabi ko na nagbigay ng alarma sa lahat ng nandito.
"Hindi naman natin kailangang humantong sa ganon..." Si Dean.
Mahina akong natawa, "bakit kailangan pa ng patakaran sa school niyo? Kung ang sarili niyong anak hindi naman sumusunod sa patakaran na tinayo niyo sa school na 'to?" Nakataas ang kilay na tanong ko pa paglipas ng ilang minutong pananahimik nila.
"Ano ba ang pake mo kung ganito ang pamamalakad ng tatay ko sa school namin? Mind your own business, Bitch," Inis na sabi sakin ni Kade habang binibigyan ako ng masamang tingin.
BINABASA MO ANG
The Bloody Scorpions' Queen
Action"How far are you willing to go for your family? What are you willing to do to make those around you happy, including yourself? Are you ready to risk your life for the people you love? Are you willing to do anything for your sibling? The answer is ye...