Christmas and new year are over pero wala pa rin maski ang anino nila lolo at lola dito sa bahay, gusto ko silang puntahan na lang but I don't even know kung asan sila. We can go out as long as we want na rin dahil hindi na nanggulo ang mga taong may gustong kumuha kay Tammy, pero syempre doble ingat pa rin kami pag lumalabas lalo na pag kasama si Tammy.
"Hindi mo pa rin sila ma contact?" Naiinip na tanong ko na. I want to talk to them as soon as possible dahil habang tumatagal na wala akong nakukuhang sagot nadadamay sila sa galit ko kay Jacob.
Which is I don't like to happen.
"Wala pa rin, nawalan ako ng contact sa kanila after christmas," Sagot ni Kody na inismiran ko naman.
"Nawalan ng contact kasi umiiwas."
"Pinagdududahan mo talaga ang lolo at lola mo."
"Sinong hindi magdududa? Natapos na ang christmas at new year wala pa rin sila." Umirap ako at tumayo mula sa pagkakaupo. "Sana pala hindi na lang sila nagsabi para hindi ako umaasa." Naiinis na iniwan ko si Kody. Tinungo ko ang kusina para kumuha ng tubig ko.
"You look pissed, may problema ba?" Tanong ni Neo na nasa tabi ng ref at umiinom sa tumbler niya. Niregaluhan ko sila ng tig iisang tumbler na pwedeng pwede nilang madala kahit saan para naman hindi na sila bibili ng mga bottled water sa labas.
"Nah, I'm good." Tipid akong ngumiti at tinungo ang ref para kumuha ng ice cream. Bigla akong nag crave sa Ice cream. "You want some?" Tanong ko na inilingan naman niya kaya nagpaalam na akong aalis tutal mukhang bet niya pang tumambay sa kusina.
"Dad!" Malakas na tawag ko kay Kody na nasa pinto at mukhang may kinakausap. "Nakita mo ba si Kade?" Tanong ko pero wala akong nakuhang sagot kaya naisipan kong lumapit na lang.
Tumaas ang kilay ko nang makita kung sino ang kausap ni Kody. Isa itong magandang binibini na mukhang ka edad ko lang. She looks familiar but hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita. I know it's rude na sumingit sa usapan nila but my curiousity is eating me!!
Bahala na nga! Bahay ko 'to at nasa harap siya ng pinto ko kaya may karapatan akong malaman kung sino siya. Mamaya siya na pala ang step mom ni Kade, Char! Joke lang 'yon Tita Katie.
"Dad..." Pagtawag ko ulit kay Kody. Lumingon naman siya sa akin at ngumiti pero iba ang sinasabi ng mga mata niya, parang ang lungkot ng mga 'yon.
"Andito na pala siya," Sabi ni Kody at napaayos naman ako ng tayo at tumingin na rin sa paligid para makasigurado.
Alanganing itinuro ko ang sarili, "Ako?"
"Yeah, come here."
Agad naman akong tumalima at tumabi ng tayo kay Kody.
BINABASA MO ANG
The Bloody Scorpions' Queen
Action"How far are you willing to go for your family? What are you willing to do to make those around you happy, including yourself? Are you ready to risk your life for the people you love? Are you willing to do anything for your sibling? The answer is ye...