Nakarinig ako ng tatlong mahihinang katok sa labas ng pinto ko kaya napabangon ako mula sa pagkakahiga.
"Come in," may kalakasang sabi ko. Bumukas naman ang pinto at pumasok si Arsen na may dalang envelope.
"Hindi ka natulog?" Gulat na tanong ni Arsen nang makita ang kabuuan ko.
"I can't sleep," simpleng sagot ko bago pabagsak na humiga ulit.
"Something's bothering you?" Tanong niya nang makaupo sa paanan ko. "Dalawang araw kana ganyan," dagdag niya pa. Tama siya, dumaan na ang sabado at linggo pero lutang at wala pa rin ako sa sarili.
"It's someone," I mumbled, correcting him.
"Who?" He asked curiously.
"Alec." I smiled sadly. Naramdaman kong natigilan si Arsen kaya napatingin ako sa kanya, gulat na ang ekspresyon ng mukha niya pero unti unti rin napalitan ng lungkot ang emosyon sa mga mata niya.
"Chrizshel..."
"Hindi ko matanggap na muntik ko nang makalimutan ang araw ng kamatayan niya." Malungkot akong ngumiti habang nakatulala sa kisame.
"Chrizshel..." Muling sambit ni Arsen sa pangalan ko pero wala naman siyang idinudugtong.
"'Yan na ba ang impormasyon ni Leah?" I changed the topic, ayokong pati si Arsen ay madamay sa kamiserablehan ko.
"Yeah, I'm sorry kung ngayon ko kang naibigay." He took a deep breath. Kita ko ang pagdadalawang isip sa mga mata niya kaya nangunot ang noo ko.
"What's wrong?" Tanong ko.
"Uhm... Handa kana ba talagang malaman?" Alanganing tanong niya. Binundol naman ng kaba ang dibdib ko.
Malaman ang alin?
"Aatakehin ba ako sa puso dahil jan?" Tanong ko.
"Hindi naman pero sigurado akong malulungkot ka lang ng sobra," sagot niya na ikinatahimik ko. Mas may hihigit pa ba sa lungkot at sakit na nararamdaman ko ngayon?
"Do you still wanna know? O sa ibang araw na lang?" Tanong niya paglipas ng ilang minuto kong pananahimik.
Huminga naman muna ako ng malalim bago sumagot, "Ngayon na."
Pabuntong hiningang inabot ni Arsen ang envelope. "That's her medical records, she was diagnosed with depression."
BINABASA MO ANG
The Bloody Scorpions' Queen
Action"How far are you willing to go for your family? What are you willing to do to make those around you happy, including yourself? Are you ready to risk your life for the people you love? Are you willing to do anything for your sibling? The answer is ye...