Chapter 33

326 24 0
                                    


Maaga akong nagising dahil sa alarm ko, 5 am pa lang kaya naman nag stretching muna ako bago naligo.


It's Alexzy's check-up, kailangan maaga kami para makahabol din ako sa school.


Medyo mahapdi pa ang mga sugat ko pero hindi ko na lang ito pinansin at nilagyan na lang ng bandaid at gasa. Sinuot ko ang uniform ko at lumabas na ako sa kwarto dala ang gamit ko para sa school. Pumunta ako sa kwarto ni Alexzy at nadatnan ko naman siyang sinusuklay ang buhok niya.


"Ready kana?" Tanong ko at nakangiti naman siyang tumango lang sakin. Inalalayan ko siyang maglakad pababa sa hagdan, kailangan niyang sanayin ang sarili niya na hindi na gumagamit ng wheel chair.


"Oh, akala ko kailangan ko pa kayong gisingin e" Natatawang sabi ni Manang nang makarating kami sa lamesa. "Halina kayo rito, kain na."


Umupo kami ni Alexzy at kumuha na ng niluto ni Manang para sa umagahan, dinamihan na rin niya ang luto para sa mga lalaki ko kuno.


"Hindi mo ba sila gigisingin bago tayo umalis?" Tanong ni Alexzy sakin habang nasa sasakyan kami.


"Hindi na, gigising din naman ang mga 'yon mamaya." Sabi ko at pinaandar na ang kotse, hindi naman na siya umimik kaya tuloy tuloy lang ang pag mamaneho ko.


Tama lang ang pagpapatakbo ko ng sasakyan dahil mahirap na aba.


Habang nag mamaneho hindi ko pa rin maiwasang mapaisip kung magiging okay pa kaya ang kapatid ko? Kung makakalakad pa kaya siya? Kailangan kong masigurado na tama ang mga sinasabi ng doctor na yun sa Japan dahil kung hindi, ako mismo ang kikitil sa buhay niya. Pinagkaitan niya ng katotohanan ang kapatid ko kung sakali bukod pa ron ay nagmukha pang tanga si Alex dahil naniwala siyang di na makakalakad.


Nakarating kami sa hospital kung saan nagtatrabaho si Doc Sanchez at maayos naman kaming hinatid ng nurse kung saan gaganapin ang check-up.


"Ready kana ba Alexzy?" Nakangiting tanong ni Doctora kay Alex kaya naman tumango lang si Alex. "X-ray muna ang gagawin natin at gagawa ako ng ibang test para sa kapatid mo para malaman natin kung makakalakad pa ang isa niyang paa." Seryosong saad niya kaya naman ngumiti ako at tumango.


"Gawin niyo po lahat please para sa kapatid ko."


"I will," tanging sabi niya at tinangay na ang kapatid ko sa isang kwarto kung saan nila gagawin ang test na sinasabi nila. Nakaramdam ako ng kaba. Sobrang kaba natatakot ako sa magiging resulta hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Sana tama 'tong ginawa ko.


"Magiging okay din ang lahat, Chrizshel." Si Manang, tumingin ako sa kanya at yumakap.


"Manang, paano kung hindi na tuluyang gumaling ang paa ng kapatid ko? Pano kung tama yung doctor sa Japan? Pano kung masyado akong umaasa? Manang, kinakabahan ako!" Naramdaman ko ang pag higpit ng yakap ni Manang kaya naman napabuga ako ng malalim na hininga.

The Bloody Scorpions' QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon