Chrizshel Kayred's pov
Sabi nila kahit gaano ka pa kalakas, darating ka pa rin sa puntong manghihina ka at hindi alam ang gagawin. Na kahit sure na sure kana, mapapatanong ka pa rin sa sarili mo ng kung ano-ano. Minsan, ang ayaw nating maramdaman ang nararamdaman natin at ang gusto naman nating maramdaman, hindi natin mahagilap.
Nakakabaliw lang na kung kelan andito na, kung kelan ito na yung araw saka naman tumindi ang takot at pangamba ko. Akala ko ay napaghandaan ko na, akala ko sa oras na dumating ang araw na 'to, wala akong ibang mararamdaman kundi poot.
Huminga ako ng malalim at tinignan ang sarili sa salamim bago ako tumungo sa wardrobe ko at kinuha ang iba't ibang klaseng patalim na meron ako. Nagsuot ako ng isang belt pero may lagayan ito, tatlong baril ang dala ko. Ang isa ay nilagay ko sa gilid ko at ganun din ang isa bali magkabilaan ang mga baril.
Samantalang ang isang baril ay nilagay ko sa may gitna ng bandang dibdib ko. May kaliitan ang baril, it was customized, pinagawa ko para mismo sa araw na 'to. Sakto lang ang liit nito kaya hindi mapapansin na may dala ako neto. Isang bala lang ang meron sa baril at ang bala na yun ay ang bala na ako mismo ang gumawa. Ang balang gusto kong pumatay kay Jacob.
Sunod kong inayos ang mga patalim na kinuha ko. Naglagay ako sa belt at sa binti ko pati na sa gilid ng sapatos ko. Nilagyan ko rin ang gilid ng bra ko at siniguradong hindi ako masusugatan.
Sunod kong inayos ay ang damit ko, nag suot ako ng sando na itim at sunod kong isinuot ang leather jacket kong itim. Jeans na itim naman ang pang ibaba ko at boots na may lalagyan rin ng maliit na patalim.
Having a life like this? Malilito kana lang talaga kung gusto mo ba talaga mabuhay o gusto mo na lang mamatay para matapos na.
Mahigpit kong Itinali ang buhok ko para hindi ito maging sagabal sa magiging laban. Nang maayos na ang lahat sa akin, kinuha ko na ang isang bag na punong puno ng patalim at baril.
Bumaba ako sa hagdan at nakita ko naman agad sila na nag aayos ng gamit nila at gaya ng ginawa ko kanina nag lagay din sila ng iba't ibang patalim sa mga katawan nila.
Hindi ko maiwasang mag alala. Hindi ko maiwasang mag isip kung ano ba ang kabaitang nagawa ko at binigay sila sa akin. Bigla silang sumulpot sa buhay ko at nagbigay ng masayang memories sa akin. Gusto kong ikulong na lang sila dito sa bahay hanggang sa matapos ako sa pakikipaglaban pero imposibleng makulong ko sila.
Nagiinit ang sulok ng mga mata ko kaya pinili kong ituon na lang ang atensyon ko sa pag baba ko.
Hindi ito ang oras para makitaan nila ako ng emosyon.
"Handa na ba kayo?" Tanong ko sa kanila kaya napalingon sila sa akin.
Mapapansin mo ang pag ka seryoso ng mga mukha nila lalo na nila Hunter, Draven at Jett. Wala na ang mga mapaglarong ekspresyon sa mukha nila. Halos lahat sila ay hindi mababakasan ng takot pero alam kong sa loob loob nila ay natatakot din sila gaya ko. Huli kong tinignan ang kapatid ko, si Manang, Kody at Kade, tumango lang sila sa akin kaya naman tumango na lang din ako.
BINABASA MO ANG
The Bloody Scorpions' Queen
Action"How far are you willing to go for your family? What are you willing to do to make those around you happy, including yourself? Are you ready to risk your life for the people you love? Are you willing to do anything for your sibling? The answer is ye...