It's been what? Almost one-month na at nandito pa rin kami sa hospital. Nalagay nila sa ICU si Chrizshel, ilang beses siyang nag flatline at nirevive at sa awa ng diyos, nailagay na siya sa private room. Naghilom na rin ang ilang sugat niya.
Sixteen bullets ang nakuha sa katawan ni Chrizshel, hindi ko na inalam kung saang mga parte ng katawan 'yon nakuha. Sapat na sa akin ang nalaman ko dahil hindi ko kakayanin kung malalaman ko pa ang iba. Bukod sa bullets, may ibang hiwa rin siya sa iba't ibang parte ng katawan niya.
"May sa pusa ka talaga," mahinang sabi ko habang pinagmamasdan ang walang malay na mukha ng babaeng mahal ko.
"May sa demonyo kamo," si daddy na kagigising lang. Siya ang kasalukuyang nagbabantay kay Chrizshel, kasama niya si Manang but Manang is nowhere to be found.
Napagkasunduan naming lahat na magkaroon na lang ng schedule sa pagbabantay nang sa ganon ay makapagpahinga at magawa rin ng iba ang mga dapat nilang gawin. Isa pa, masyado kaming marami kung lahat kami ay magbabantay dito.
"You can go home now, dad."
"I'll wait Manang, bumili lang siya ng kape."
"Alright," tanging sagot ko.
"Sino pala ang kasama mo magbantay?" Tanong ni dad.
"Si Jed. Tulog pa ang iba kaya kami na muna ang bahala dito." Napag desisyunan din naming mag stay na lang sa iisang bahay at sa bahay nila Chrizshel ang napili namin. Mas maigi na rin ang nandon kami, mababantayan namin ang isa't isa, mapo-protektahan namin si Alexzy.
Tulog ang reyna kaya dapat na lahat kami ay kumilos para manatiling protektado ang lahat. Ayaw naman namin na pag gumising si Chrizshel ay panibagong problema na naman ang kahaharapin niya.
"That's good to know." Tumayo si Daddy at lumapit sa amin. He kissed Chrizshel sa forehead then he tapped me sa shoulder. "We'll go para makapagpahinga na rin si Manang, kayo na ang bahala dito. Call me if you need something."
Tumango lang ako kay daddy. Kinuha naman niya ang bag at scarf ni Manang pagkatapos ay umalis na siya. Napahinga naman ako nang malalim nang mapuno ng katahimikan ang kwarto. Pinakatitigan ko si Chrizshel, magaling na ang mga sugat niya at para na lang talaga siyang natutulog. Litaw na litaw ang puti niya at kung tutuusin ay gustong gusto ko na halikan ang labi niyang medyo namumula pero syempre hindi pwede, kailangang gising siya at okay sa kanya.
"We missed you so much, gumising kana." Umupo ako sa single sofa na nasa tabi lang ng kama ni Chrizshel. Hinawakan ko ang kamay niya at nag lean ako ng kaunti para mahalikan ito. "Please wake up, antagal mo nang natutulog mahal ko," mahinang pagmamakaawa ko.
"Miss na miss na miss na kita."
She's not in coma... well I think hindi pa at sana wag na umabot sa ganon. Naghilom na ang ilang sugat niya at sigurado akong naghihilom na rin ang mga malalang injury na natamo niya.
BINABASA MO ANG
The Bloody Scorpions' Queen
Action"How far are you willing to go for your family? What are you willing to do to make those around you happy, including yourself? Are you ready to risk your life for the people you love? Are you willing to do anything for your sibling? The answer is ye...