"Ohmygad! It's good to be back!" Masayang sabi ko nang makapasok ako sa bahay ko.
Grabe! Damang dama kong sobrang tagal kong pagkawala. Andaming nag iba sa loob ng bahay, napalitan ang ilang furnitures, mga frames, mga kulay, ang carpet pati na ang couch.
"Bahay ko ba 'to? Bakit parang andaming nagbago?" Tanong ko. Hindi ako nag rereklamo, namamangha ako actually, ang ganda kasi. Nagustuhan ko ang ilang mga nabago.
"Naisipan kasi ni Manang na mag general cleaning nung nakaraan, tinapon na niya ang ilang mga hindi na maganda sa paningin at ayan pinalitan na rin ang ilang mga dapat palitan," si Zane na nasa tabi ko buhat ang ilang gamit na nagamit nila sa hospital.
"Maganda nga, eh," masayang puri ko.
"Syempre! Pinagtulungan naming lahat 'yan kaya maganda!" Singit ni Jax na mas ikinangiti ko.
"Masaya akong nagustuhan mo," sulpot ni Manang kaya agad akong lumapit sa kanya para yumakap.
"Nako! Mag ingat ka sa paglakad lakad mo, baka naman mabinat ka niyan," sermon ni Manang.
Napalabi naman ako. "Manang naman, okay na po ako!"
"Oo nga, Manang, akala mo ata, eh, bagong panganak yan si Chriszhel," si Kody.
"Aba naninigurado lang! Mamaya ay manghina," depensa naman ni Manang.
Sasagot pa sana si Kody pero inangat ko na agad ang kamay ko. "Hep! Tigilan niyo na, okay na ako at magsasabi na lang ako pag may iba akong nararamdaman." Tumatangong sumang ayon naman sila kaya ibinaba ko na ang kamay ko.
"Ate! Tabi tayo mag sleep later?" Tanong ni Alexzy. Nakapulupot ang mga kamay niya sa akin.
Kinurot ko ng marahan ang pisngi niya. "Oo ba!" Masiglang pag payag ko. I heard her say yes kaya mahina akong natawa.
"Tara na't kumain na tayo, paniguradong gutom na kayong lahat," pag aya ni Manang.
Tumungo kami sa dining area at saktong pagkakita ko sa mga pagkain, nakaramdam ako ng gutom.
Umupo kami sa kanya kanya namang upuan. Agad naman akong pinagsilbihan ni Kade kaya nagpasalamat ako sa kanya nang makaupo siya. Nagsimula kaming kumain ng tahimik pero hindi ako sanay na tahimik lang kaming kumakain.
"Anong oras pala pupunta sila Leah?" Tanong ko kay Joaquin na ngumunguya pa.
Nilunok muna ni Joaquin ang nasa bibig niya bago siya nagsalita. "Ah, baka hindi na raw sila tumuloy. Something came up kaya di na tutuloy si Leah."
"Eh, si Bianca?" Tanong ko kay Zane.
BINABASA MO ANG
The Bloody Scorpions' Queen
Action"How far are you willing to go for your family? What are you willing to do to make those around you happy, including yourself? Are you ready to risk your life for the people you love? Are you willing to do anything for your sibling? The answer is ye...