Chapter 56

38 4 0
                                    


Chrizshel Kayred's pov

"Ate, umuwi kana muna," mahinang turan ni Alexzy na alam kong nasa tabi ko lang. "Kailangan mo rin magpahinga, paano gagaling ang sugat mo niyan?"


"Kaya ko," malamig na tugon ko.

Two days na lang at ikakasal na kami, bukas ay graduation na namin pero hindi pa rin nagigising si Kade.


"Ate—"


"—Bakit paulit ulit tayong bumabalik sa lugar na 'to?" Mahinang tanong ko.


"Po?"


"Ilang beses pa ba tayo hihiga sa higaan na 'to para tuluyang maging normal ang mga buhay natin? Nakakapagod na." Inihilamos ko ang palad sa mukha ko at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Kade.


"Ate, sa labas na tayo mag bantay please?" Marahang niyugyog ni Alexzy ang balikat ko.


Tumayo ako at pinunasan ang luha ko, "Two days, Kade. Pag ikaw hindi pa nagising bukas, sa iba ako mag papakasal!" Banta ko bago tuluyang nagpatangay kay Alexzy.


I know na naririnig niya ako, sabi ng doctor ay maiging kausapin siya ng kausapin sa tuwing papasok kami sa ICU. And yes, he's not well pa. He got shot five times! And mabuti na lang ay nadala agad siya dito sa hospital at naagapan. We all got shot pero si Kade ang may malalang kondisyon.


Ang iba sa amin ay nagpapagaling pa rin dito sa hospital pero nasa ibang room lang, ang iba naman ay nasa bahay at dun napiling magpagaling.


"Ate, umuwi kana muna. Kailangan mong magpahinga, graduation mo bukas," pagpapauwi ni Alexzy sa akin. "I know you want him beside you habang nangyayari ang graduation niyo pero hindi naman makakabuti sa'yo ang pananatili dito, kailangan mong magpahinga."


"Wala kang kasama," pagdadahilan ko. Pasimple kong hinawakan ang tagiliran kong may tama dahil sa biglaan nitong pag kirot.


"I'm here, sasamahan ko siya mag bantay." Sabay kaming napalingon kay Jett.


"Your sister's right, you need to go home and rest. Hindi matutuwa si Kade kung hindi ka–tayo pupunta sa graduation bukas dahil sa kanya."


Umupo si Jett sa tabi ko at marahang kinuha ang kamay ko. "We'll update you pag nagising siya or may nangyaring hindi maganda," he said promising. He squeezed my hand before letting it go.


Huminga naman ako ng malalim at tumayo. Tinignan ko si Kade mula sa glass door. "Please wake up," I whispered. Pinunasan ko ang luhang pumatak sa pisngi ko pagkatapos ay humarap na ako sa kapatid ko at kay Jett.


"Call me, okay?" Nauubusan ng lakas na turan ko.


The Bloody Scorpions' QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon