Chapter 46

33 4 0
                                    


Warning!!

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng seryoso at sensitibong paksa o pangyayari na maaring maka apekto sa pag iisip at mararamdaman ng iba. I'm not normalizing any kind of violence and etc. Always remember po na ang laman ng bawat kabanata ay galing lamang sa isip ko.

Maraming salamat.

-CKyl S. 

***


Nagising ako pasado alas nuwebe na kaya naisipan kong gisingin na rin si Alexzy na nasa tabi ko lang.


"Gising na, Alex!! Pupunta tayo kila mommy remember?" Umungot si Alexzy pero bahagya rin binuksan ang mga mata para tignan ako.


Humikab siya at tinignan ang paligid. "Hindi ka papasok ate?" Tanong niya habang kinukusot kusot pa ang mata. Nangingiting pinisil ko naman ang pisngi ni Alexzy, hindi ko na napigilan ang cute eh.


"Hindi," Tipid na sagot ko. "You wake up na, magligpit ka na, 3 days or more tayo sa Japan," Sabi ko sa kanya at tumayo na, kinuha ko naman ang cellphone ko at tinawagan si Kade.


"Hello?" Inaantok na bungad niya ng masagot niya ang tawag ko.


"Mag impake kayo, good for 3 days or more. Mag kita tayo dito sa bahay. Saktong 1 pm walang late."


"San tayo pupunta?" Tanong niya.


"Basta honeybabe! Bye na and oh! Bring passports and some personal documents," paalala ko at binabaan siya.


"Isasama mo sila kuya Kade?" Tanong ni Alex.


"Oo," Tipid na sagot ko ulit sa kanya, mukhang hindi na niya naalala ang pinag usapan namin kagabi.


"Ah hokey!!" Nakangiting sabi niya tsaka lumabas sa kwarto ko. Nakaantabay ako kay Alex pero napangiti na lang ako dahil okay na talaga ang paa ng kapatid ko, hindi ko pa siya nakikitang ma out of balance this week and that's good. Kailangan niya lang talaga na mahilot gabi gabi ang paa niya na nagiging routine na rin naman niya, okay din ang ganon para mas maging okay ang paa niya.


I dialed Kody's number na agad naman niyang sinagot.

"I already booked a flight," Bungad niya na malawak kong ikinangiti.

"Thank you." I ended the call.


Pumunta naman ako sa banyo at ginawa ang morning routine ko. Nang matapos ako sa pag ligo at pagbibihis, sunod kong inayos ang mga dadalhin ko para sa Japan.

Napagdesisyunan kong bumaba na dahil mag ta-tanghalian na at baka mabungangaan na naman ako ni Manang kaya uunahan ko na siya. Pero hindi pa man ako nakaka pasok sa dining area ay rinig ko na ang boses nilang lahat. Nangunot naman ang noo ko dahil hindi lang ingay ng mga alaga ko ang naririnig kundi pati ang ingay nila Kade.

The Bloody Scorpions' QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon