Chapter 6

132 9 0
                                    


Chrizshel's pov


"Chrizshel, you need to calm down. Alexzy didn't know," pagpapakalma sa akin ni Zane.


Nasa daan na kami papunta sa bahay dahil dun daw dumeretsyo sila Manang at Alexzy.


"What do you mean?" Kunot ang noo na tanong ko.


"Si Manang ang sumalo ng bala," si Arsen na busy sa pagtipa ng kung ano sa laptop niya.


Parang mas kinapos naman ako ng hininga dahil sa nalaman. "P-paanong si Manang?" Wala sa sariling tanong ko. "Saan siya tinamaan?" Tanong ko pa dahil walang sumagot sa nauna kong tanong.


"Malalaman natin pag uwi, okay? Malapit na tayo. Kumalma ka muna." Si Draven na hinawakan pa ang nakakuyom kong kamao.


Ilang beses akong humihinga ng malalim para ikalma ang sarili ko na nakatulong naman. Wala nga naman kasing mangyayari kung ilababas ko ang galit at pag aalala ko ngayon. Mas kailangan kong panatilihing kalmado ang sarili ko para mas makapag isip ng maayos.


"Na hack na ba ang cctv?" Tanong ko kay Arsen na tutok pa rin sa laptop ang paningin.


"Hindi pa pero ilang minutes na lang." Sagot naman ni Arsen kaya muli akong huminga ng malalim.


Nang maihinto ni Apollo ang van agad na akong bumaba.


"Chrizshel, careful!" Malakas na sabi nila na hindi ko pinakinggan. Lakad takbo ang ginawa ko para lang makapasok agad sa bahay not minding kung sumakit man ang mga sugat ko. Ang gusto ko lang ay makita ang lagay ng kapatid ko at ni Manang.


"Manang!" Malakas na pagtawag ko kay Manang nang hindi ko sila makita sa kitchen kahit sa dining room. I checked her room na rin dito sa baba pero wala rin siya.


"Manang Emery!" Malakas na tawag ko ulit habang paakyat.


"Chrizshel." Agad akong lumingon at sakto namang nakita ko sila Draven na nakapasok na.


"Damon, please prepare the first aid kit." Nagpatuloy sa pag akyat pero nahinto din ako nang may makita akong patak ng mga dugo sa hagdan.


"Shit."


Kung titignan ay patuyo na ang mga ito at sunod sunod na ang patak habang paakyat. Tinignan ko naman ang rampa kung saan idinadaan si Alexzy at kahit doon ay may mga patak din pero tuyo na ang mga yon.


Ibig sabihin ay inakyat niya muna si Alexzy.


Tinignan ko ang dinaanan ko kanina pati na rin ang nasa baba at dun ko lang napansin ang mga dugong hindi maayos na napunasan.


The Bloody Scorpions' QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon