Chapter 15

93 6 0
                                    


"Ano? Hindi ka papasok?" Tanong ni Zane nang maabutan niya akong nakahiga pa rin sa kama ko.


"Nalulumbay ako," mahinang sagot ko.


"Why?" Tanong ni Zane, umupo siya sa dulo ng kama ko at pinakatitigan ako. "And what's nalulumbay?" Pahabol na tanong niya bago pa ako makasagot, napapikit naman ako at napangiti.


"Akala ko pa naman ay naiintindihan mo." Huminga ako ng malalim bago sumagot, "Nalulungkot ako, hindi ko alam kung bakit."


"Don't think too much, uuwi rin siya." Tumabi sa akin si Zane at niyakap ako sa bewang.


"Kelan pa? Paano kung may nangyari na pala sa kanya don?" Hindi ko na natago ang lungkot at pag aalala sa boses ko. "Don't get me wrong, okay? Sadyang hindi ko lang maiwasang mag alala sa kanya."


"Wag ka mag isip ng kung ano, Draven can handle everything, okay?" Hinimas himas ni Zane ang buhok ko.


"Bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko?" Parang batang tanong ko. Hindi ako nakatulog kaka tawag sa cellphone niya, minsan ay pinapatayan niya ako pero madalas ay nag ri-ring lang ng nag ri-ring ang cellphone niya. "I tried calling him, I kept on calling him pero hindi niya sinasagot, baka may nangyari na sa kanyang hindi maganda? Or maybe got kidnapped?"


"Or maybe busy."


"Grabeng pagka busy naman 'yon, walang pag sagot ng phone kahit saglit," Nagtatampong sabi ko. "Buti pa mga sundalo kahit pa-paano nakakasagot ng tawag." Mangiyak ngiyak na dagdag ko pa.


"Bakit? Sinong sundalo ang tinawagan mo?" Maang na tanong niya.


Nagpapadyak naman ako sa hangin bago tumagilid at yumakap sa kanya. "Zane naman eh." Mas isiniksik ko ang sarili sa kanya, pinaunan niya ako sa braso niya at ipinulupot naman niya ang libreng kamay sa bewang ko.


"Drav will be fine, walang mangyayaring masama sa kanya." Naramdaman ko ang paghalik ni Zane sa ulo ko. "I know that he's fine so you don't need to worry."


Tumango na lang ako sa kanya dahil wala na rin naman akong ibang maisip na dahilan para matawagan ko si Draven dahil sure ako na hindi ako mapagbibigyan ni Zane sa magiging request ko.


I'm hoping na wala nga sanang mangyari sa kanya, maaring kaya niyang protektahan ang sarili pero may limitasyon ang lakas niya. This is what I hate, ayokong may isang nalalayo sa amin dahil namamatay ako sa pagaalala, mabuti sana kung magkakasama silang walo.

Napapikit naman ako nang himas, himasin ni Zane ang ulo ko hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.


Nagising ako dahil sa pag bounce ko ng sunod sunod sa kama ko, "Ano ba?!" Inaantok na tanong ko. Kinusot kusot ko ang mga mata ko para makita kung sino ang mga lumulundag sa kama ko.

The Bloody Scorpions' QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon