Days had passed at mas lalong naging busy ang iba sa kung anong mga ginagawa nila. Halos bibihira na silang mag lagi dito sa bahay at hindi ko na rin sila makausap ng maayos. Si Kade naman ay may mga kung anong inaasikaso rin kaya minsanan na lang kami magkita. Dito pa rin naman sila natutulog sa bahay pero halos bibihira na lang kaming magkita talaga dahil kung minsan ata ay hindi pa sumisikat ang araw ay umaalis na sila.
"Nabuburyo kana 'no?" Si Alexzy na huminto sa pag suntok sa punching bag.
We're doing our daily exercise. Since busy naman ang lahat at halos kaming dalawa lang lagi ang magkasama naisipan na lang naming mag exercise hanggang sa araw-araw na naming ginagawa. It helps for the both of us dahil nae-exercise ang mga muscle namin.
Going back, ilang beses ko naman na silang tinanong sa kung ano ang ginagawa nila pero family issues ang iba, company business, samantalang personal at love life issues naman ang iba kaya hinayaan ko na lang. They'll ask for help naman if need talaga nila. Ang couples naman dito sa bahay ay madalas din na wala at hindi ko na rin alam kung ano ang pinag gagawa nila.
"Nah! I'm good, ikaw ba? Bored kana?" Balik tanong ko bago buong pwersa na sumuntok sa punching bag ko. Sa pool area namin naisipang mag exercise and mabuti na lang talaga na dito kami dahil mahangin kahit pa-paano, hindi rin kasi maganda pag puro hangin ng aircon ang nalalanghap namin.
I'm fully recovered na rin, pasado na ako sa physical and psychological test kaya malaya na ako sa mga kung ano mang test na 'yan.
"Not yet!" Sagot ni Alex pagkatapos ay sinuntok ang punching bag niya.
Nanatili kaming 'yon ang ginagawa sa loob ng isang oras at nang matapos ay naisipan naman naming mag sparring para ma train na rin namin ang isa't isa. Nang tuluyan kaming matapos ay agad na kaming nahiga na muna sa mga yoga mats namin.
"Ano kaya ang mga pinag gagawa nila ngayon?" Mahinang tanong ko kay Alexzy. Nakita ko naman sa peripheral vision ko ang paglingon niya sa akin.
"Bakit? Inggit ka 'no?" Tanong niya na inismiran ko lang.
"Anyway, excited kana ba sa pasukan mo? Makakapasok kana sa school!" Masiglang pag iba ko sa usapan. Nalaman kong nakapag enroll na rin si Alexzy.
"Medyo excited at the same time ay kinakabahan ako ate." Umaktong nanginginig si Alexzy kaya mahina akong natawa.
"Sus, kayang kaya yan! Wag kang magpapabully, okay?"
Ngumiti si Alex at nag thumbs up. "Oo naman, ate, sumbong ko sila sa'yo," tugon niya na nginitian ko.
"Aba dapat lang, sampalan kami ng mambubully sa'yo," mahina akong natawa pero natigil din ito nang matitigan ko ang kapatid kong kasalukuyang umiinom na ng tubig niya. Tuluyang nawala ang ngiti ko nang may pumasok na mahalagang bagay sa isip ko.
BINABASA MO ANG
The Bloody Scorpions' Queen
Action"How far are you willing to go for your family? What are you willing to do to make those around you happy, including yourself? Are you ready to risk your life for the people you love? Are you willing to do anything for your sibling? The answer is ye...