Chapter 45

55 4 0
                                    


"Anong balita?" Tanong ko nang makababa ako sa dining room, twenty-four hours na ang nakalipas mula nang iuwi nila ako. Kaya ko naman na kumilos kahit pa-paano dahil bearable na ang sakit.


Lumingon silang lahat sa akin at hindi na ako nag taka nang makitang kumpleto silang lahat sa hapag at ako na lang ang wala.


"Bakit naman bumaba ka agad?" Inalalayan ako ni Kade paupo sa usual seat ko sa hapag. Si Kade na rin ang naglagay ng pagkain sa plato ko kaya wala na akong ibang gagawin kundi ang kumain.


"Pag bumuka 'yang tahi mo, ate! Ewan ko na talaga sa'yo!" Nakasimangot na sabi ni Alex.


"Maingat naman akong bumangon at bumaba, eh!" Nakangusong sagot ko at hindi naman sumagot ang kapatid ko.


"Bakit pala hindi kayo pumasok?" Tanong ko bago nagsimulang kumain. "Ang sarap naman nito, Manang!" Masayang puri ko nang matikman ang lugaw.


"Ikaw talagang bata ka! Kumain kapa, marami akong niluto," Nakangiting sabi ni Manang. Tumingin naman ako kila Zane nang hindi marinig ang sagot nila.


"Eh, paano naman kasi! Hindi kami tinatantanan ng tanong ni Leah at Bianca," Si Jack ang sumagot.


"Kamusta kana raw? Bakit daw hindi ka pumapasok? Galit ka raw ba sa kanila? Bakit daw hindi mo sinasagot ang mga text and calls nila? At marami pang iba!" Si Jax.


"Naaalala mo pa ba raw sila?" Si Jed. "Miss na miss kana nung dalawa, gusto nilang pumunta dito para dalawin ka na hindi namin pinapayagan dahil alam naming ayaw mo silang madamay at mas mag alala pa," Dagdag niya pa.


"Ang hirap takasan nang mga 'yon ha! Daig pa detective kung makapag tanong at manlitis, eh," Si Joaquin.


Napalabi naman ako at tinuon ang atensyon sa pagkain. "Mamaya tatawagan ko sila, pasensya na."


Aaminin kong nawala sila sa isip ko pero tama ang sinabi ni Jed. Hindi ko sinasagot ang text and calls nila dahil nagaalala akong baka sa isang maling galaw ko lang madamay sila. Alam nila ang tungkol sa grupo pero alam kong hindi pa sila handang malaman ang totoong ginagawa namin. Ang mga nangyayari sa amin, ang mga panganib na lagi naming iniiwasan sa araw-araw. Ayokong madamay pa ulit sila kaya mas maiging may ganitong distansya kami, nang sa ganon hindi sila magugulo ng kung sino mang manggugulo sa amin.


Nagpatuloy kami sa pag kain at nang matapos, nanatili kami sa kinauupuan. Tinulungan naman ni Edge, Jett, at Nash si Manang Emery na alisin ang mga pinagkainan namin at nang maayos na ang lamesa ipinatong ko ang mga siko at pinagsiklop ang kamay ko.


"Tayo'y magdasal—aray!" Nakatanggap ako ng kurot kay Manang. "Mapanakit kayo!" Reklamo ko.

The Bloody Scorpions' QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon