Chriszhel Kayred's pov
Nagbukas ang pinto at lumabas dun ang kapatid kong namumugto ang mga mata. Hindi ako makagalaw nang makita ko ang ayos niya. Magulo ang buhok, kitang kita ang alikabok sa itim niyang damit, ang mga dumi sa kamay niya na meron din sa mukha niya.
Tuloy tuloy na umagos ang luha ko. Lumapit siya sa akin at bigla akong niyakap, agad din namang pumulupot ang kamay ko sa kanya. Naramdaman ko ang paglapat ng mainit na palad sa likod ko; it was Manang, she's hugging us. Mas pumalahaw ng iyak ang kapatid ko na siyang naging dahilan kung bakit mas sumikip ang dibdib ko.
Lumipas ang ilang minuto at kumalas na kami sa yakap. Tinignan ko siya sa mata at binigyan niya naman ako isang totoong ngiti. Ngiting ngayon ko na lang ulit nakita, ngiting walang kahit anong takot. " I think I'm fine now, ate."
Sa sinabing 'yon ni Alex ay muling tumulo ang luha ko. "I survived!" Natatawang usal niya pa at muli akong niyakap. "Thank you, ate," masayang sabi niya.
Nginitian ko siya, hindi ko alam ang sasabihin ko dahil sa sobrang saya ko. Gamit ang mga kamay ko, pinunasan ko ang basang pisngi niya dahil sa pag iyak. "Kung hindi dahil sa'yo at sa lakas na binibigay mo hindi ako makakawala sa nakaraan ko. Salamat sa pag intindi at labis na pagmamahal, ate." Pinunasan niya ang luha ko at hinalikan ako sa pisngi.
Lumapit siya sa mga kasama ko at isa-isa niya itong niyakap.
"You did great," Rinig kong sabi ni Kade. Naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko kaya nilagay ko ang kamay ko sa likod niya.
"She's a fighter," Nakangiting tugon ko habang tinitignan ang kapatid kong niyayakap ang mga kasama namin.
"Just like you, my queen." Napangiti ako sa sinabi ni Kade at naramdaman ko naman ang labi niya sa sintido ko.
"Ate, nagugutom na ako!" Nakangusong sabi ng kapatid ko. Lumapit siya sa akin at kumapit sa libreng braso ko.
"Alright, brat, let's eat!" Nakangiting saad ko na sinimangutan naman niya.
"Hindi ako brat," maliit ang boses na sabi niya kaya napangiti ako.
"Joke lang." Hinalikan ko siya sa noo at mas idinikit naman niya ang pisngi sa balikat ko.
Hindi na ako makapag hintay na matapos ang lahat ng ito, gusto kong tuluyan nang mawala ang taong nag pahirap sa amin ng paulit ulit. Hindi man sila maubos at least nawala naman ang taong walang takot na kalabanin ako—kami. Handa akong gawin lahat para sa buhay na hinahangad ko. Hindi man ganon ka ayos ang maging buhay namin pag tapos, ang mahalaga ay malaya kami sa takot at pangamba.
"Saan mo gustong kumain?" Tanong ko kay Alex. Nahinto naman siya at mukhang nag isip kaya nag antay lang kami sa isasagot niya and while she's thinking, kinuha kong chance 'yon para tignan siya.
I can saw tiredness in her eyes, mugtong mugto ang mata niya at kitang kita mismo sa mukha niya ang sakit na pinagdaanan, I'm just glad na kahit pa-paano, kahit pagod ay nakakaya niya pa makipagtawanan at kulitan. We waited for her answer at bago pa ako mag suggest sa kanya nahagip ng mata ko ang mga usok na nanggagaling sa pinto ng basement o underground.
BINABASA MO ANG
The Bloody Scorpions' Queen
Action"How far are you willing to go for your family? What are you willing to do to make those around you happy, including yourself? Are you ready to risk your life for the people you love? Are you willing to do anything for your sibling? The answer is ye...