Chapter 44

51 4 0
                                    


BRUTAL SCENES ON BOARD! YOU CAN SKIP THE CHAPTER IF YOU'RE SENSITIVE! LOVE YOU!

***

Chrizshel Kayred's pov


"Are you ready?" Tanong ni Kody.


"Kinda..." Tanging sagot ko. "Ikaw ba?" Balik tanong ko.


"Hindi ko alam," Sagot niya.


Hindi na ako sumagot at winisyo na lang ang sarili. Ilang minuto lang ang dumaan bago nagsipasukan ang mga makakalaban namin, napangisi naman ako nang makita ang isang lalaking may hawak na samurai. Mukhang hindi ko na kailangang gamitin ang ibang dagger na dala ko.


"Sa tingin mo? Gaano kalala ang makukuha natin sa mga 'to?" Tanong ko.


Kody shrugged his shoulder, "I don't know pero magparamihan na lang tayo ng makakalaban."


Tumunog ang bell na ikinagulat namin pero hudyat na pala 'to para magsimula ang laban. Nagtinginanan kami ni Kody pagkatapos ay sabay rin kaming tumingin sa mga makakalaban namin, may mga ngisi sa labi nila na kagayang kagaya sa ngisi nila noong si Prof Kim ang kalaban nila.


I'll erase that freaking smirk!


"Dating gawi?" Tanong ko, nilingon ko si Kody na tumango sa akin.


"Pero bago 'yon maglaro muna tayo..." After he said that nakatanggap ako ng isang suntok sa panga ko, sunod ay ang pagsipa sa likod ng tuhod ko kaya napaupo ako.


Sumugod ang dalawang tao sa akin, noong una ay iniiwasan ko lang sila hanggang sa hinayaan ko na lang ang sarili na saktan muna nila. Muli nila akong sinipa sa likod ng tuhod kaya napaluhod na naman ako.


"Ang lakas ng loob niyong hangarin na makalaban kami samantalang hindi niyo naman pala mga kaya lumaban!" Sabi ng isa at muli na naman akong nakatanggap ng suntok. Idinura ko sa lupa ang dugong galing sa bibig ko bago may mapaglarong tinignan ang lalaking nanuntok sa akin.


"Kung ako sa'yo dapat mas puruhan mo na ako ngayon dahil kung hindi, baka pagsisihan mo." Mayabang na turan ko na hindi naman niya nagustuhan dahil nakatanggap ako ng isang malakas na suntok mula sa kanya kaya napahiga ako sa lapag.


Nakita ko naman si Kody na nasa lapag din at pinagsisipa nila. He looked at me and mouthed one minute more na lihim kong tinanguan. Hindi nagtagal ang titigan namin dahil umangat ang upper body ko at nakaluhod na naman ako.


"Maawa dapat ako sa'yo dahil babae ka, eh, pero mukhang wag na lang." Nakangising sabi niya at malakas akong sinampal.


"Mukhang hindi na tayo kailangan niyan, mahinang babae pala ang gustong kumalaban sa atin. Nakakatawa!" Sabay sabay silang nagtawanan na ikinakuyom ng kamao ko.

The Bloody Scorpions' QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon