Chapter 14

522 31 2
                                    


Maaga akong pumasok sa school dahil nag text si Kade na iibahin namin ang kanta at kahit na tamad na tamad ako ay hindi na ako umangal, paniguradong wala rin akong magagawa. Hindi naman ako nagrereklamo dahil hirap din ako sa unang kantang napili namin at wala rin akong magagawa dahil hindi rin naman ako papakinggan ng isang 'to, magtatalo lang kami.


Kinabisado ko ang part ko kagabi pero sinukuan ko rin agad, empire state of mind by Jay-Z and Alicia Keys is good. Gusto ko ang kanta pero damang dama ko na pipiyok talaga ako kahit gawan ko ng sariling version ang part ko. Para akong sasali sa isang singing competition kahit wala naman talaga akong talent o hilig sa pagkanta. Salamat na lang talaga dahil hindi ako nawalan ng boses. Ang iba sa mga kaklase namin ay hindi rin talaga papatalo, seryoso kung seryoso at ayaw iparinig o sabihin man lang ang mga napili nilang kanta.


"Ano bang kakantahin natin!?" Tanong ko agad nang makarating ako sa rooftop. Nakakaloka rin talaga, grabe ang hingal ko. Pwede naman kaming mag kita na lang sa parking lot or 'di kaya sa canteen para mas madali. Gustong gusto niya na nag hihirap ako, eh.


Binigay niya naman sakin ang isang pirasong papel, agad ko naman itong binasa. Una kong napansin ang naka bold na title ng kanta.


"Pagibig na kaya?" Kunot ang noo na basa ko sa title. Tumingin naman ako kay Kade na nakangiting aso sa akin. "Bakit ito?" Matabang na tanong ko.


"I heard your last time singing that song and it's good kaya ayan na lang ang kantahin natin, let's do our own version para plus points." Seryosong sagot niya na tinanguan ko na lang. Ano pa ba ang laban ko? Wala rin naman akong ibang alam na kanta, mostly ay rock or with energy talaga ang mga alam ko na hind naman namin makakanta ng maayos.


Bumuntong hininga ako at sumagi naman sa alaala ko ang nangyari kagabi na naging dahilan kung bakit hindi naging maayos ang pag tulog ko.



-Flashback-

Nakarating kami sa bahay ng maayos, nag prisinta siyang ihatid ako kaya pumayag na ako. Hindi na ako aangal pa dahil paniguradong hindi rin ako mananalo kung sakali. Parang sa 2 days na pagsasama namin, bilang lang sa isang kamay ang napagkasunduan namin dahil ang iba ay puro pagtatalo na.


"So, pano? See you tomorrow?" Nakangiting tanong ko at tumingin naman siya sakin. Unti unti kong naramdaman ang pagod ko plus isabay mo pa ang boses ko na halos onti na lang ay mapapaos na, kailangan ko ng pahinga. Isang mahabang pahinga.


"Ah yeah," tanging sagot niya. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse niya pero naramdaman ko naman ang pag hawak niya sa kamay ko kaya napalingon ako. Nakatingin siya sa akin ng seryoso at hindi ko mabasa ang iniisip niya. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya at hinihintay siyang magsalita.


"U-uhm after this performance, anong balak mo?" Utal na tanong niya kaya napatitig ako sa kanya. Ang weird.


Nangunot ang noo ko. "Edi balik sa dati? Iiwasan ka, yun ang napagkasunduan natin diba? Maguusap lang tayo about acads then yun lang," deretsyong sabi ko at nakita ko naman ang paghinga niya ng malalim.

The Bloody Scorpions' QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon