Chapter 19

82 7 0
                                    


Chrizshel Kayred's pov

"I want you to be happy, and I know you will."


"Alec..." Ikinurap ko ng ilang beses ang mga mata ko. "I-ikaw ba talaga yan?" Mahinang tanong ko.


Ngumiti si Alec at hinaplos ang pisngi ko, napapikit naman ako dahil sa init ng palad niya. Init na nakasanayan ko noon na ngayon ko lang ulit nadama.


"You're here." Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Andito siya pero bakit ganito? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ako nasasaktan? Bakit parang mawawala siya?


"Kayred..." Ang malumanay at malambing na boses niya ang mas nagpalabas ng mga luha ko.


"I miss you, baby," Mahinang turan niya at kasunod non ay naramdaman ko ang mainit na yakap niya sa akin.


"Alec... I miss you more." Sinuklian ko ng mainit na yakap ang yakap niya. Totoo siya. Andito siya. Ilang minuto ang itinagal ng yakap namin bago tuluyang bumitaw si Alec.


"I know that you love me and you want to be with me but we are not for each other, you belong to someone else, Chrizshel." Alec smiled at me.


"A-ano ba ang sinasabi mo?" Mahinang tanong ko bago pekeng tumawa.


"You have to be stronger, If the day ever comes when you need to see me again, close your eyes and open them again without hesitation. Don't let your mind and eyes fool you." He caressed my cheeks, "I know that this fight will be hard for you but... This will end soon." I felt his lips on my forehead.


"Gamitin mo ang utak at puso mo para malaman ang totoo. Mahal kita," Seryosong turan niya bago siya muli ngumiti.


"Hindi ka nabulol ha, ang galing!" Pilit kong iniiba ang topic pero nanatili lang siyang nakatingin sa akin, wala akong mabasa sa mga mata niya basta nakangiti lang siya sa akin habang hawak hawak ang kamay ko.


"Alec, wag mo na ako ulit iiwan," Mahinang pag mamakaawa ko bago umambang ya-yakap sana sa kanya pero pinigilan niya ako.


"Be wise, Chrizshel. Let your heart see the truth." I felt him kissed my cheeks. Napapikit naman ako dahil sa sakit, hindi ko alam kung saan nanggagaling ang sakit na 'to.


Idinilat ko ang mga mata ko nang hindi ko na maramdaman ang labi niya sa pisngi ko pero nagsisisi ako. Sana pala hindi na lang ako pumikit. Sana pala hinawakan ko na lang siya ng mahigpit.


Kasabay ng pagdilat ng mata ko ang siyang paglaho niya sa hangin.


"Alec," Umiiyak na tawag ko sa pangalan niya.


"Alec!" Ulit ko bago ako napahawak sa dibdib ko. Ang sakit. Parang paulit ulit na sinasagasaan ang puso ko. "Alec, bakit kailangan mangyari sa atin ang ganito?" Hindi ko na napigilan ang mga hikbi ko. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa mauwi sa pag hagulgol ang sakit na nararamdaman ko.

The Bloody Scorpions' QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon