Ang kalaban ang nag serve na napalo naman ng kakampi ko. Nag concentrate ako sa paglalaro at kahit naiinis ay hindi ko na muna pinagtuunan ng pansin ang mga kalaban ko at tanging nasa bola lang ang atensyon ko. Magagaling sila maglaro, I admit that pero grabe naman! Kung makapalo sila ng bola akala mo tournament. Hindi ko alam kung sinasadya nilang patamaan yung mga kakampi ko o tanga lang talaga sila at mukha ang ipinangsasalo, joke!
"Shit!" Agad kong nilapitan ang kaklase kong natamaan na naman ng bola.
"Ayos ka lang? Kaya mo?" Tanong ko nang makalapit ako sa kanya.
"Oo," sagot niya pero halata naman na hindi. Tumayo ako para tignan ng masama ang pumalo.
"Kanina pa namin napapansin na nanadya sila," bulong ni Karen sakin.
"Alam ko," walang emosyong sagot ko.
"Class, balik na kayo dito. Tama na ang laro," si ma'am na hindi ko pinansin dahil nakatitig lang ako kay Rona at sa kasama niyang mukhang masayang masaya.
"Karen, ipunin mo lahat ng bola mamaya," utos ko kay Karen bago lumakad pabalik sa pwesto namin.
"Alam ko 'yang tingin na yan," sabi ni Draven na hindi ko pinansin. May kung anong sinabi lang si ma'am then dismissal na.
Tumayo naman ako at sinenyasan si Karen na lumapit sakin.
"Mauna na kayo sa canteen, order-an niyo na lang ako," bilin ko sa mga kasama ko.
"Bakit? Anong gagawin mo?" Tanong ni Zane na halata namang may idea na.
"May tuturuan lang ako ng leksyon," nakangising sagot ko.
"Sabi na eh." Umiling iling si Draven.
"Sige, kami na bahala sa pagkain mo. Galingan mo sa pag ganti, para kay Leah." Kinindatan ako ni Hunter bago hinila sila Damon.
Inilipat ko naman kay Karen ang tingin ko pero muli akong napatingin kila Hunter na pabalik sa pwesto ko. "Oo nga pala, para mas mabadtrip ka sasabihin ko na rin ang nangyari kahapon sa canteen." Ngumisi si Hunter. Nakita ko naman ang pag siko sa kanya ni Draven kaya napahawak si Hunter sa parteng nasiko.
"Anong nangyari?" Kunot ang noo na tanong ko.
"Wala, Chrizshel." Si Zane ang sumagot kaya mabilis ko siyang tinignan sa mga mata na mabilis naman niyang iniwasan.
"Sasabihin niyo ng kusa o dadaanin ko pa kayo sa dahas?" Walang emosyong tanong ko. Ayoko pa naman ng binibitin ako.
"So noisy kasi eh!" Binatukan ni Damon si Draven.
"Oy, bakit ako?" Angal ni Draven habang hinihimas ang likod ng ulo. "Eh, itong si Hunter ang lumapit dito ulit," dagdag niya pa pagkatapos ay binatukan si Hunter.
BINABASA MO ANG
The Bloody Scorpions' Queen
Action"How far are you willing to go for your family? What are you willing to do to make those around you happy, including yourself? Are you ready to risk your life for the people you love? Are you willing to do anything for your sibling? The answer is ye...