Chapter 5

125 11 0
                                    


"Bakit pumasok ka?" Kunot ang noo na tanong ni Draven nang makalapit ako sa kanila. Lunch break na, sakto lang ang baba ko dahil tumambay muna ako sa rooftop para mag isip.


Hinawakan ako ni Draven sa siko at inalalayan paupo sa tabi ni Zane at Hunter. Kasama namin sa table si Leah na hindi ko tinitignan. Ramdam ko ang titig ni Leah sakin pero pinagsawalang bahala ko ito.


"Anong gusto mong kainin?" Malambing na tanong ni Draven dahil ako na lang ang walang pagkain.


"Spaghetti," tipid na sagot ko na lang. Tumango siya sa akin at pumunta na sa counter samantalang ako naman nanatiling nakaupo at iniiwasan ang mga tingin ni Leah.


Kanina sa rooftop nakapag isip na ako. Napagdesisyonan kong iwasan na si Leah. Hindi siya magiging ligtas pag ako lagi ang kadikit niya, oo, pwede ko siyang ma protektahan pero hindi sa lahat ng oras ay magagawa ko 'yon. Ayokong may inosenteng madamay, ayokong dahil sakin mapahamak siya or worst mabawian ng buhay. In order to save her, kailangan ko siyang iwasan. Kailangan kong tapusin ang pagkakaibigan namin.


"Anong nangyari sa mukha mo, Chrizshel?" Mabait na tanong ni Leah. Malamig ko naman siyang tinignan kaya napayuko siya.


"None of your business," walang ganang sagot ko. Kumunot naman ang mga noo ng kasama ko at si Hunter siniko pa ako.


"Hoy! Anong kamalditahan yan?" Bulong ni Hunter na hindi ko na lang din pinansin.


Sumusulyap ako kay Leah at parang may kung anong kumirot sa dibdib ko, I didn't mean to be rude but it's the only way I can think of to make her go away. May mga pagtataka sa mukha nila na hindi ko nalang pinansin. Nalipat ang tingin ko sa mga lalaking maingay sa kalapit naming table and it's the scorpions. Present si Kade, lahat sila actually but then inilipat ko ulit ang paningin ko sa iba para lang maiwasan ang mga tingin nila. Kahit sila ay iiwasan ko na rin, hindi man kami nagkakalapit pero mas maigi na na kasama sila sa mga iiwasan ko.


May mga bagay na mananatiling sekreto para sa ikabubuti ng lahat. Susubukan ko rin na magpalipat ng school, maaga pa naman kaya paniguradong pwede pa.


Dumating si Draven na dala ang pagkain ko kaya kumain na rin ako. Walang nagsasalita at lahat ay naiilang maliban lang kay Draven na kinakausap kaming lahat. Dumiretsyo kami sa klase nang matapos ang lunch time, hindi naman nagsalitang muli si Leah.


Mahirap. Gustong gusto ko siyang kausapin dahil gusto ko siyang maging kaibigan talaga pero kung ang pagkakaibigan na 'yon ang magdadala sa kanya sa kapahamakan then, mas maiging lumayo na lang talaga siya sa akin. Mas matatanggap kong wala akong kaibigan kesa sa meron nga pero nasa panganib naman ang buhay. Saka, paniguradong pag nalaman ni Leah ang pagkatao ko, eh, baka siya na rin ang kusang umiwas pero syempre hindi ko ha-hayaang umabot pa sa ganon. Gustuhin ko man na kausapin siya at sabihin na lang na inihihinto ko na ang nasimulan namin ay sigurado akong 'di siya papayag. I don't know why pero malakas ang pakiramdam ko na hindi siya papayag sa gusto ko, so I'm doing the supposedly plan b.


"What's wrong with you?" Tanong ni Draven nang makarating at makaupo kami sa seats namin.

The Bloody Scorpions' QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon