Chapter 28

420 30 1
                                    


Maaga akong nagising or let's just say na hindi naman ata talaga ako nakatulog. Hindi ko alam kung paano haharapin si Kade. Hindi ko tuloy alam kung papasok ba ako o hindi. Ito na naman ako, gagawa ako ng isang bagay na hindi ko napaghahandaan ng maayos, pero kasi hindi ko talaga napigilan ang sarili ko kagabi, parang biglang may sumanib na kung ano sa akin.


"Chrizshel hija, bumaba kana, hinihintay kana nila sa baba." Rinig ko ang malakas ngunit malumanay pa rin na boses ni Manang habang kumakatok sa pinto ng kwarto ko.


What should I do? Ayokong pumasok. Hindi ko kayang harapin si Kade. Isipin ko pa lang na ako mismo ang humalik sa kanya namumula na ang pisngi ko at hindi na ako mapakali. Paano pag tinanong niya ako bakit ko ginawa 'yon? Anong sasabihin ko? Natapilok lang ako tas nasubsob labi ko sa labi niya, ganon?


Kung hindi ba naman kasi ako gaga, bakit kasi nanghahalik tapos di naman kayang gampanan.


"Ayoko pong kumain Manang, hindi ako papasok!" Sigaw ko at nag talukbong ng kumot. Ayokong harapin si Kade! Hindi ko alam kung paano mag papaliwanag sa kanya.


Hindi ko naman pwedeng sabihin na friendly kiss lang yun at mas lalong hindi ko pwedeng sabihin na trip ko lang siya halikan.


Narinig ko ang pag bukas ng pinto ko, ginamit na naman nila yung duplicate, maglalagay na talaga ako ng double lock.


"Manang, ayoko nga po!" Inis na sigaw ko.


"Bumangon kana jan." Mabilis akong napaupo nang marinig ko ang boses ni Nash.


"Ayoko pumasok," nakangusong sabi ko.


"At bakit? Papasok ka o papaakyatin ko pa silang lahat dito?" Banta niya sakin, psh sinong tinakot niya? Baka nakakalimutan niya, ako ang leader nila.


"Psh!"


"Si Chrizshel ayaw daw pumasok!" Sigaw ni Nash kaya agad akong napatayo at binatukan siya.


"Papasok na nga ako! Ito naman walang pakisama, napaka sumbungero!" Inis na inirapan ko siya. Tatawa tawa naman siyang tumingin sa akin kaya inambaan ko siya ng sapak pero ang damulag, tumakbo na palabas.


Tamad na tamad naman akong naglakad papunta sa cr, nang matapos maghanda para sa school ay tamad na tamad din akong bumaba. Iniisip ko kung ano ang gagawin ko pag nagkita kami ni Kade, which is magkikita naman talaga kami dahil bukod sa iisang school lang kami e mag classmate pa kami tapos ngayon ka grupo ko na rin siya.


Sinong demonyo ba kasi ang sumanib sa akin? Bakit bigla ko na lang siya hinalikan? Punyeta naman.


"Oh ate, bakit ganyan itsura mo? May sakit kaba?" Bungad sakin ni Alexzy ng makalapit ako sa kanya, hinalikan ko siya sa pisngi at hindi na lang siya pinansin. Iniisip ko pa din yung pagharap ko kay Kade. E kung mag panggap na lang kaya ako na walang nangyari?

The Bloody Scorpions' QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon