"What do you mean?" Takang tanong ni Zane.
"Your emotions are the reason why you become weak, it's also the reason why you need to do something or why are you doing something, and it can also be the cause of your downfall." Tinignan ko sila isa-isa. Wala namang sumagot o umalma kaya nagpatuloy na ako.
Gusto ko na magpahinga and gusto ko na rin sila magpahinga, nakakapagod mag sanay.
"Ako at isa sa inyo hanggang sa sunod sunod na! Understood? Don't worry, wala akong pagsasabihan ng mga malalaman ko about sa inyo, nirerespeto ko ang mga privacy niyo." Sabi ko at nag tanguan naman sila. "Ang handa na, pumasok sa kwarto na pupuntahan ko, gusto ko pag tapos ay may sunod na ulit." Maotoridad na turan ko at tinalikuran na sila.
Tumungo na ako sa isang kwarto na sound proof kung saan walang ibang makakarinig at mananatiling secret ang mga mapaguusapan namin.
Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto at isa siyang purong black. Black ang lahat ng pintura pero nananatiling maliwanag dahil sa ilaw. May nakita naman akong upuan sa mga gilid kaya kumuha ako ng dalawa at inilagay yun sa gitna na magkaharap.
"Are you ready?" Tanong ko kay Blade dahil siya ang unang pumasok dito, nakita ko namang seryoso siya kaya napangiti ako. "You may sit" Umupo siya sa harap ko kung saan nandun ang upuan na nilagay ko at ganun pa rin ang itsura niya. Seryoso pa rin siya pero langhap na langhap ko ang kaba niya kaya lihim akong napangisi.
"I heard that you're a player," panimula ko at hindi naman siya sumagot. "Sabay sabay ka kung mag girlfriend or kung lumandi, you became the womanizer of the group, right?" Tanong ko at ilang segundo pa muna ang lumipas bago siya tumango.
"Why is that?" Tanong ko. Nakita ko naman sa mga mata niya ang lungkot at sakit pati na ang pagdadalawang isip kung magsasabi ba siya o hindi.
"Your secret is safe with me," pangungumbinsi ko.
"My mom cheated, sumunod ang ate ko naman. Iniwan nila kaming mga mahal nila, iniwan nila yung mga asawa nila para sa ibang lalaki." Blade took a deep breath before looking down. "Then my first love cheated." Tumingin siya ng deretsyo sa mata ko. Pinanatili ko naman ang tindig ko, ayokong ipakita sa kanya ang awang nararamdaman ko. Hindi ito ang tamang oras para don.
"She cheated knowing my history." He smirked. "Ang nakakatawa pa ron, sa murang edad, eh, iniimagine ko ang magiging buhay namin pag kinasal kami, pag nag ka anak kami. Naka plano na, akala ko kasi nahanap ko na yung babaeng hindi kagaya nila mommy at ate, akala ko iba siya sa lahat pero mali ako." Malungkot na ngumiti si Blade bago muling yumuko.
Natikom ko naman ang bibig dahil hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin o kung may tama bang lalabas sa bibig ko.
"My mom left us when I was 7, my sister cheated on her husband when I was 10 then my first love cheated on me when I was 16. they're calling it puppy love pero para sa akin totoong pagmamahal 'yon, totoong pagmamahal ang binigay ko pero hindi ako nasuklian ng totoo." Mapaklang tumawa si Blade. "After non, I promised na hinding hindi na ako magpapaloko sa kahit sinong babae, makikipaglaro ako sa kanila and that's all. No hard feelings, no strings attached." He smirked yet I can see sadness in his eyes.
BINABASA MO ANG
The Bloody Scorpions' Queen
Action"How far are you willing to go for your family? What are you willing to do to make those around you happy, including yourself? Are you ready to risk your life for the people you love? Are you willing to do anything for your sibling? The answer is ye...