"Nagugutom ka ba? Nauuhaw?" Nag aalalang tanong ni Kody pero tanging iling lang ang isinagot ko. Nanatili lang akong nakatulala sa kawalan.
Hindi ko pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Kade pero hindi naman na ako umiiyak, parang naubos na rin lahat ng luha ko.
"Chrizshel, 8:30 na, kanina pa tayo andito sa labas ng bahay niyo at kanina pa rin tumutunog ang cellphone mo." Bumuntong hininga si Kody, "Wala ka bang balak sagutin sila?" Tanong niya kaya napatingin na ako sa cellphone kong kanina pa nag i-ingay.
I took a deep breath bago muling tumingin sa kawalan. Wala akong gana sa lahat, feeling ko ay naubusan ako ng baterya sa katawan na kahit ang pag lingon ay hindi ko magawa. Pagod. Ayan ang nararamdaman ko, gusto ko na lang ipahinga ang buong katawan ko pero ayaw naman ng diwa ko.
"Kayred, about sa mga sinabi ni Ka—"
"—Pwede mo na akong iwan dito, papasok na rin ako mayamaya," walang emosyong putol ko sa mga sinasabi niya.
"Red..."
"I really appreciate your presence, kahit pa-paano ay gumaan ang pakiramdam ko." Mahinang sabi ko, ayoko pa sana siyang paalisin pero kailangan na niyang umuwi. Alam kong kailangan din siya ng anak niya.
"Are you sure?" Nag aalalang tanong niya kaya humarap na ako sa kanya at tumango.
"Opo, papasok na rin ako mayamaya, aayusin ko lang ang sarili ko." Pinilit ko ang sarili kong ngumit, "Maraming salamat."
"Call me when you need anything," Lumapit si Kody at hinalikan ako sa noo. "Saka tayo mag usap pag handa kana," mahinang dagdag ni Kody na marahan kong tinanguan.
"Can you call me? Pag alam mo na ang lagay ni Jack?" Alanganing tanong ko, "G-galit sa akin si Kade kaya hindi ako makakapunta sa hospital para i-check ang lagay niya." Umiwas ako ng tingin at bumuntong hininga.
"Mananagot ang sino mang may gawa nito," rinig kong sabi niya.
"Sisiguraduhin kong madudurog siya," walang emosyong sabi ko.
"Sinabi ko na bang nakakatakot ka?" Rinig kong tanong ni Kody kaya napatingin ako sa kanya.
"Sige na, umalis kana at mag aayos na ako." Tipid akong ngumiti.
"Sige, update na lang kita." Tumango siya sa akin bago lumabas ng van. Kinuha ko naman ang bag ko para kunin ang powder at lipstick ko.
Nang matapos mag lagay ay muli kong tinignan ang sarili sa maliit kong salamin, namamaga pa rin ang mga mata ko pero wala naman na akong magagawa. Paniguradong nag aalala na sila.
Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang main door ng bahay.
BINABASA MO ANG
The Bloody Scorpions' Queen
Боевик"How far are you willing to go for your family? What are you willing to do to make those around you happy, including yourself? Are you ready to risk your life for the people you love? Are you willing to do anything for your sibling? The answer is ye...