"Kamusta naman ang naging byahe niyo?" Tanong ni Kody nang makarating kami sa office niya.
Kahapon lang kami dumating at sakto lang ang naging pahinga naming lahat para magbalik studyante naman. May pinaghahandaan kami pero hindi naman reason 'yon para pabayaan ang pag aaral namin. Hindi porket may sasalo sa amin ay laging ganon na lang, kailangan din namin mag hirap.
"Okay naman na, dad. Hinihintay na lang tayo araw," sagot ni Kade na ikinangiwi ko.
"Ha? Ano"
"I mean, we're waiting for the right day na lang," paglilinaw niya kaya napatango si Kody.
"Nagiging barok na tagalog mo, panay ingles kasi kayo nung walo, eh," puna ko.
"Eh, englishera yung jowa ni Draven, eh," ngusong katwiran ni Kade kaya napailing na lang ako at itinuon ang atensyon kay Kody na nakangiti lang habang may binabasa na kung ano. Hindi niya pa nakikilala si Elsie pero sure naman akong may alam na siya sa pinag uusapan namin.
"Uh, did they call you na ba?" I asked biting my bottom lip.
"They? Who?" Tanong ni Kody na wala pa rin sa akin ang paningin.
"Lola and lolo," mabilis na sagot ko.
Kody sighed and I know what that sigh means.
"Wag mo na sagutin." Pilit akong ngumiti.
"Handa naba kayo? Ilang araw na lang ang natitirarang araw na meron kayo, Also, si Jacob na rin mismo ang nag bigay ng location kung saan gaganapin ang laban." Bakas ang lungkot sa mukha ni daddy kaya naman iniwas ko ang tingin ko.
Malapit na nga ang araw ng kaarawan namin at ang araw rin na 'yon ang hindi ko pinakagustong araw.
"Baka naman pain lang yan dad," si Kade.
"Nope, pag sinabi ni Jacob, sinabi niya hindi siya makikipaglaro sa inyo lalo na't gustong gusto niya tayo mamatay." Bumuntong hininga si Kody.
"Kanina kapa tahimik, Chrizshel," puna ni Kody.
Tinignan ko naman sila at nginitian ng malungkot. "Iniisip ko lang kung sino ang pwedeng trumaydor sa akin. Naalala niyo yung unang sulat ni Jacob na mag ingat daw tayo dahil may isang trumatraydor sa atin?" Tanong ko sa kanila na agad naman nilang tinanguan.
"Napapaisip lang ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa oras na malaman ko kung sino yun, bigyan niya lang ako ng isang magandang dahilan para di ko siya patayin," seryosong dugtong ko. Naramdaman ko naman ang pag hawak ni Kade sa kamay ko kaya napahinga ako ng malalim. "Hindi ko lang matanggap na pagtapos ng lahat, pagtapos ng paghihirap at sakit na pinagdaanan natin may posibleng trumaydor pa rin sa atin. I'm just hoping na sana hindi na lang totoo ang nasa sulat ni Jacob."
BINABASA MO ANG
The Bloody Scorpions' Queen
Action"How far are you willing to go for your family? What are you willing to do to make those around you happy, including yourself? Are you ready to risk your life for the people you love? Are you willing to do anything for your sibling? The answer is ye...