Chapter 13

538 32 0
                                    


"You look so happy, why is that?" Puna ni Kade sa akin pero nakatuon pa rin ang paningin sa kalsada.


"Is it bad?" I asked smiling at him. Lumingon naman siya saglit pagkatapos ay ibinalik ulit ang paningin sa daan nang umiiling.


Actually, I don't understand myself too. Parang pinaganda ng picture niya ang mood ko, parang kumalma ang buong katawan ko nang makita ko ang picture niya. I know it's weird at kahit ako ay napapaisip rin sa sarili ko pero iba kasi talaga ang impact sa akin nung litrato. Ang genuine nang ngiti niya at talagang umaabot sa mga mata niya ang saya. Sobrang inosente pa niyang tignan habang nakangiti hawak hawak ang stuff toy niya, it's a simple picture yet super laki nang impact sa akin. Maybe because hindi ko naranasan ang maging inosente at ngumiti ng totoo mula nang magkaisip ako.


Yeah, maybe I am too happy for Kade dahil kahit parehas kami ng buhay, nagawa naman niyang maranasan na makapamuhay ng simple at payapa.


Nakarating kami sa bahay at nabungaran naman namin si Alexzy at Manang na nagtatawanan at nagkikilitian.


"Andito na po kami!" May kalakasang sabi ko para makuha ang atensyon nila dahil hindi nila kami napansin. Madaling mapapasok ang dalawang 'to.


Agad naman silang umayos bago nakangiting humarap sa amin. "Anjan kana pala-- teka sino naman 'to? Boyfriend mo?" Tanong ni Manang nang mapunta ang tingin niya kay Kade. Nakita ko naman si Alexzy na may mapanuksong tingin sa akin kaya inirapan ko siya.


Siraulong bata.


"Manang, hindi po! Siya yung k-kaibigan namin yung nasa hospital, anak ni Kody." Paliwanag ko habang lumalapit kay Manang para yakapin siya.


"Ah, oo nga natatandaan kita." Ngumiti si Manang kay Kade.


"It's good to see you po ulit," si Kade. Hindi ko siya nililingon kaya hindi ko alam kung nakangiti ba ang hudas o hindi.


"Kumain naba kayo? Amin na ang gamit mo at ilalagay ko sa kwarto mo Chrizshel. May mga pagkain sa hapag, kumain kayo ng marami," nakangiting sabi ni Manang. Kinuha niya ang gamit ko na agad ko namang binigay.


Ang swerte talaga namin kay Manang. Lagi siyang ganito at maayos ang pakikitungo niya sa mga bisitang bumibisita sa amin pero pag nalaman ni Manang na kaaway ko ito ay paniguradong aawayin na rin niya si Kade. Kung sino ang kaaway namin ni Alexzy ay kaaway na rin ni Manang. Instant kakampi. But syempre not all the time, hindi kami kukunsintihin ni Manang Emery pag alam niyang sobrang mali kami.


"Kamusta ang pagaaral mo?" Tanong ko kay Alex, hinalikan ko siya sa pisngi at bahagyang ginulo ang buhok.


"Ate! Not my hair! And it's good! Almost perfect ko ang quiz na binigay kanina, worth it ang review hehehe." Inayos ni Alexzy ang nagulong buhok at pagkatapos ay bumaling siya kay Kade. "Hello, kuya Kade." Kumaway siya kay Kade at kumaway naman pabalik si Kade.

The Bloody Scorpions' QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon