Having a life you never wanted is like eating a stone, wala kang choice kundi ang lunukin 'to kahit pa masugat ang lalamunan mo, kahit pa masira ang ipin mo. You need to face it because you're living with it.
But syempre, hindi ka naman papayag na kumain ng bato. You have a choice but instead of running away, you chose to stay and eat real food. Na kahit ilang beses kang nasugatan at nasaktan, you chose to stay because you needed to and you wanted to. Habang tumatagal, mas naiintindihan ko ang sarili ko kung bakit hindi ako makaalis. Simply because I don't want to let go; I want to stay kahit pa ikamatay ko na. I want to stay kahit paulit ulit na. I want to stay to protect and be with my loved ones.
"What are you thinking?"
Napalingon ako kay Kade na kalalabas lang ng banyo.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya pa nang hindi ako sumagot.
"I... don't know..." Bumuntong hininga ako at isinandal ang ulo sa headboard ng kama. "I don't know what to feel or what to think, I just can't think right now," mahinang sabi ko.
Umupo si Kade sa kabilang parte ng kama. Marahan niya akong hinila palapit sa kanya at automatic namang pumulupot ang mga kamay ko sa batok niya.
"I hate this feeling," bulong ko.
Pakiramdam ko ay hindi gumagana ang lahat sa akin. Wala akong maisip na pwedeng gawin, wala akong maisip na kung ano. Namamanhid ang buong katawan ko maliban sa dibdib ko. Ang hapdi. Pasakit siya ng pasakit habang paulit ulit na bumabalik sa isip ko ang mga sinabi ni Manang.
Kung hindi ko sila tunay na magulang, sino sila? Paano nila nagawa 'to? I'm thinking na bigyan na sila ng chance, na papasukin na sila sa buhay namin ni Alexzy, na hayaan na silang magpaka nanay at tatay sa amin. I should be grateful right? Kasi bago ko magawa 'yon nalaman ko na na hindi sila totoo. I should be grateful dahil hindi talaga sila ang magulang namin.
I was guilty pa dahil sa trato ko sa kanila na tama lang naman pala. Puso ko na mismo ang nagsasabi sa akin na binabalewa naman ng utak ko dahil ang sinisigaw nito, normal lang na magalit ako pero magulang ko pa rin sila. Tangina nakaka tanga.
Buti na lang talaga at hindi ako nag sorry. Pero masakit pa rin. Umasa ako eh.
Umasa ako na sana totoo ngang buhay ang magulang ko at sumulpot naman sila at mas triple ang sakit dahil sa nalaman ko kay Manang.
"Pa-paano nila nagagawa ang mga ganitong bagay? I just can't understand. Nagpabago sila ng mukha at nagpanggap na magulang namin para ano? Para wakasan ang buhay natin?" Malamya akong natawa hanggang sa nauwi sa hikbi ang mga tawa ko.
"Yung kay Alec naiintindihan ko pa, pero ito? A-ano ba ang maling ginawa ko sa kanila para iparanas nila sa amin 'to?"
Humigpit ang kapit ko sa kanya hanggang sa nakaupo na ako sa hita ni Kade. Mas isiniksik ko ang mukha sa leeg niya at mas hinigpitan naman niya ang yakap sa bewang ko habang hinahaplos ang likod ko.
BINABASA MO ANG
The Bloody Scorpions' Queen
Action"How far are you willing to go for your family? What are you willing to do to make those around you happy, including yourself? Are you ready to risk your life for the people you love? Are you willing to do anything for your sibling? The answer is ye...