Chapter 22

72 6 0
                                    


"Are you sure that you're okay?" Tanong ni Kade.


Lihim naman akong napahinga ng malalim. Gusto kong sabihin sa kanya ang nakita ko pero ayokong madamay pa siya sa kamiserablehan ko ngayon. Isa pa ay baka hindi niya rin maintindihan dahil hindi naman niya kilala si Alec.


"Yeah, I'm fine." Tipid akong ngumiti bago muling tinignan si Kathleen na mahimbing na ang tulog.


"Natatandaan mo ba ang address na binigay niya?" Tanong ko kay Kade.


"Yah, medyo malapit na rin tayo." Naka focus sa daan si Kade samantalang tumagilid naman ako ng upo paharap sa kanya. Marahan kong kinuha ang isang supot sa tabi ni Kathleen, sinilip at kumukuha naman ako ng kung anong pagkain sa ibang supot para ilagay sa supot na nasa lap ko.


"For Kathleen?"


"Yep," I answered popping the P.


"Mahilig ka pala sa bata."


"Not really, may times na okay sila, may times naman na nakakairita sila sobra," sagot ko habang busy sa ginagawa.


"Agree," pagsang ayon niya. "Pero aminin mo, kahit nakakairita at nakakaubos ng pasensya, masaya pa rin sila alagaan," dagdag ni Kade kaya napatingin ako kay Kathleen. Naalala ko na naman ang approach niya sa akin kanina kaya hindi ko maiwasang matawa ng mahina.


"Tama ka," nakangiting sagot ko habang nakatitig kay Kathleen.


"May panahon kapa," seryosong anas ni Kade.


Kunot ang noo na tinignan ko naman siya, "Ha?"


"May pagkakataon ka pang mag isip kung ibabalik na ba talaga natin siya? O sa atin na lang siya," nakangising sabi ni Kade.


Naiiling na hinampas ko naman siya sa braso, pero syempre, mahina lang. "Puro ka talaga kalokohan."


"Ang mahalaga, ngumiti ka." He winked at me. Mabilis naman akong umiwas ng tingin at inilibot ang paningin sa pinasukan naming subdivision.


"Dito na ba yon?" Tanong ko nang ihinto ni Kade ang sasakyan sa tapat ng isang bahay. Kulay Caramel ang pinuta ng bahay, bahagyang bukas ang maliit nilang gate at mula dito ay kitang kita ko ang loob ng bahay nila dahil sa bukas din ang pinto. Kung tutuusin ay parang walang nakatira sa bahay dahil sa ayos nito, patay ang mga halaman, sira ang gilid ng gate, basag ang ilang bintana.


"Dito na ba talaga yon?" Nag aalalang tanong ko kay Kade. "Hindi maganda ang ganitong environment kay sa bata." Nilingon ko si Kade nang hawakan niya ang kamay kong walang benda.


"Wag kang mag alala masyado, naaalagaan naman siguro ng may—"


The Bloody Scorpions' QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon