Chapter 36

325 21 1
                                    


"Apollo! Ibababa mo nga yan!" Malakas na sigaw ko nang makita ko siyang ibabato ang kutsilyo kay Ash na katulong niya sa pagluluto.


"Why me? Siya ang nauna, hinagis niya sa akin yung chicken!" Nanggagalaiting sumbong ni Apollo.


"Oh..." Tanging nasabi ko. Humarap ako kay Ash na nakanguso na sa hinihiwa niyang gulay. "Why did you do that?" Seryosong tanong ko at mas lalong humaba naman ang nguso niya. Para tuloy silang mga batang akala mo ay pinapagalitan ng magulang. Ke gagandang lalaki, akala mo kung sinong maangas pag nasa labas, may pa flex pa ng mga muscles pero parang baby naman pag andito sa loob ng bahay.


"He's mocking me."


"Kahit na! Hindi ka dapat nanghahagis ng pagkain, kung yung chopping board siguro ang hinagis mo baka hayaan ko pa kayo. Gusto niyo ba na wala na tayong grasyang matanggap? Andami daming bata jan ang hindi nakakakain tatlong beses sa isang araw, yung iba nasa lansangan pa, hirap makahanap ng pagkain tas kayo pinanghahagis niyo lang? Ginagawa niyo lang laruan?"


"Bakit parang kasalanan namin na wala silang makain? Edi pumunta sila dito tas makikain si—" Hindi na natuloy ni Apollo ang sinasabi dahil sa masamang tingin na ibinigay ko.


"Ang ibig niyang sabihin ay maging grateful kayo at wag gawing laruan o sandata ang pagkain," sabat ni Nash.


Nawalan naman sila ng imik at marahang pinagpatuloy na lang ang ginagawa pero pinigilan sila ni Nash.


"Kayong dalawa," Tinuro ni Nash ang kapatid niya at si Apollo. "Umalis na kayo, kami na lang nila Chrizshel ang magluluto. Baka wala pa tayong makain dahil sa ginagawa niyo eh!"


"Pero kami ang inutusan," Si Apollo.


"Nasimulan na namin," Si Ash.


"Kami na ang tatapos, kaya alis na," Si Zane na inagaw kay Ash ang kutsilyo na ginawa rin ni Nash kay Apollo.


"Mga pasaway talaga," Komento ko.


Napipilitan namang umalis yung dalawa pero hindi pa man sila nakakalakad ay pinigilan ko na sila.


"Sandali, hindi ba kayo mag so-sorry?" Taas ang kilay na tanong ko. Nilingon naman nila ako at parang nag tutulakan pa kung sino ang mauuna.


"S-sorry," sabay nilang sabi.


Pigil ko naman ang ngiti ko. "Sa chiken, hindi kayo mag so-sorry?" Tanong ko. Nakita ko namang tumalikod si Zane at Nash, siguro para magpigil ng tawa. Samantalang ang dalawang nasa harap ko naman ay nagtataka ang tingin sa akin at the same time ay may ekspresyon sila na para bang nagtatanong kung baliw ba ako?

The Bloody Scorpions' QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon