Isang linggo na ang lumipas mula nang mangyari ang tangkang pag patay kay Kade, napagkasunduan naming lahat na i-set aside na muna 'yon at mas intindihin muna ang kaligtasan ng ibang mag aaral. Kahit si Kody ay sumangayon, ang balita ko ay mas humigpit ang security sa school, may mga guards na nag iikot kada oras at sinara na rin ang mga daan na pwedeng pasukan ng kung sino.
Okay na rin ang tahi ko at nakakapag kulit na ulit ako. Nakapag desisyon na rin kaming lahat na kami at ang scorpions ay mag iiwasan na. Hindi na kami mag uusap at lahat ng pagkakataon na alam namin na mag kikita kami, ako o sila na mismo ang lalayo. I didn't expect this. Oo pinapalayo ko siya noon dahil wala pa siyang alam sa organisasyon pero hindi ko inaasahan na iiwas siya kung kelan alam na niya lahat. Pero okay na rin na malayo ako sa kanya at sa grupo niya. At least hindi ako ang magiging dahilan kung sakaling mapahamak siya.
Kasalukuyan akong papunta sa school ngayon. Hindi ko kasama sila Draven dahil may kailangan silang asikasuhin sa Japan at sa ibang mga bansa nila. Gustuhin ko man sumama pero hindi naman pwede, ayokong iwan sila Alexzy. Solo flight tuloy ako ngayon.
Naisipan kong maglakad na lang para hindi na rin ako makadagdag sa polusyon, may benefit rin sa akin ang paglalakad dahil nakakapag exercise na rin ako.
Habang nag lalakad sa hallway hindi ko maiwasang hindi tignan ang mga taong tumitingin sakin. May pakpak ang balita kaya sigurado na akong alam na nila ang buong detalye sa mga nangyari nung nakaraan.
"Chrizshel!!" Sigaw ni Leah sa pangalan ko kaya naman agad ko siyang nilapitan at niyakap. Ngayon na lang ulit kami nagkita dahil hindi siya dumalaw sakin sa hospital o sa bahay man lang.
"How are you? Okay ka ba? Natakot ka ba ng sobra sa nangyari?" Sunod sunod na tanong ko nang maghiwalay kami sa yakap.
"Ano okay kana ba? Sorry hindi ako nakakabisita sa'yo, busy kasi ako dito saka ginawan din kita ng notes, basahin mo na lang para pag may quiz hindi ka mawawalan ng isasagot." Ngumiti siya sa akin na agad ko namang sinuklian din ng ngiti. Kinuha ko ang notebook at itinago sa bag ko.
"Ang sweet naman ng bestfriend ko!! Don't worry babawi ako sayo," Nakangiti kong sabi at nag cling sa braso niya.
"Ano kaba okay lang yun 'no! Tsaka ikaw kasi ang una kong kaibigan." Nakayukong sabi niya. Muli akong humarap sa kanya at inangat ang ulo niya.
Curious talaga ako sa buhay ni Leah, hindi ko alam kung bakit pero gusto kong malaman lahat sa kanya.
"Bakit naman?" Takang tanong ko.
"Because they don't want to be my friend, sino ba naman ang gustong makipag kaibigan sa isang tulad ko? Isang nerd? Hindi naman ako maganda para kaibiganin nila. Kaya nga thankful ako kasi sa ganda mong yan kinaibigan mo ako." Muli siyang yumuko at iniwas ang tingin sa akin. Agad ko siyang hinila sa girls comfort room. Hinawakan ko ang dalawang pisngi niya at tinanggal ang salamin niyang may makapal na lens.
"Sino naman ang nag sabi sayo na hindi ka maganda? Sila? Kaya ka nila sinasabihan nang hindi maganda dahil ikaw mismo tinatago ang kagandahang meron ka... Ang kagandahan Leah hindi kailangan sabihin ng nino man, ng nanay mo man o kahit ako, dahil ang unang makakaalam niyan ay ang sarili mo, ikaw mismo!" Nginitian ko siya at hinarap sa salamin tinanggal ko ang pag kakatali ng maganda niyang buhok at lumugay naman ito. Bahagya pa siyang nagulat sa ginawa ko pero hindi naman siya umangal.
BINABASA MO ANG
The Bloody Scorpions' Queen
Action"How far are you willing to go for your family? What are you willing to do to make those around you happy, including yourself? Are you ready to risk your life for the people you love? Are you willing to do anything for your sibling? The answer is ye...