Chapter 41

65 4 0
                                    


"S-siya ba talaga yan?" Tanong ni Kade na marahan kong tinanguan.


"Dial Arsen's number, tell him to locate us and send help ASAP." Huminga ako ng malalim bago hinanda ang sarili sa pagbaba.


"Ang lakas ng loob niyang magpakita na may ngisi sa labi, ang kapal ng mukha."


"H-hoy! Saan ka pupunta?" Rinig kong tanong ni Kade at sunod kong naramdaman ang kamay niya na nakapatong sa legs ko para pigilan ako.


"Kailangan ko siyang kausapin."


"Bakit? Wag na! Baka mapahamak ka lang."


"Mas mapapahamak tayo kung hindi ako lalabas. May dahilan kung bakit siya nakaharang jan, Kade."


"I'll go with yo—"


"—No, stay here. Ako lang ang haharap sa kanya, kausapin mo sila Arsen." May pinalidad sa boses na saad ko. "Lock the doors pag labas ko, and if you have to drive away, drive away. Kaya ko ang sarili ko." Hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Lumabas na ako ng sasakyan at agad namang ginawa ni Kade ang pinapagawa ko. Mas ligtas siya sa loob dahil bullet proof ang kotse niya na hindi nga lang niya alam.


"Kayred..." Rinig kong bigkas ni Jacob nang maglakad ako at ngayon na nasa harapan na ako ng kotse ni Kade at ilang hakbang na lang ang lapit ko kay Jacob pwedeng pwede ko na siyang barilin but I won't risk my life and Kade's life, hindi pa ito ang tamang oras.


"Long time no see, my dear."


"Yeah, long time no see." Pinantayan ko ang ngisi niya na mas lalong ikinalawak ng ngisi niya. Mas lalo tuloy akong naaning, hindi ko mapangalanan ang ngisi niya, para siyang proud at the same time ay nang aasar.


"Kamusta naman ang pagtatago mo? Bakit bigla kang lumabas sa lungga mo? Na bored ka ba?" Asar ko pero hindi pa rin nawala ang ngisi sa labi niya gaya ng inaasahan ko.


Looking at him right now, napapatanong na lang ako kung ano ba ang nagbago sa kanya? Ang fresh at young pa rin ng itsura niya at ganon pa rin ang tindig niya. Hindi mo aakalaing matanda na ang kaharap ko ngayon dahil hindi man lang siya makikitaan ng puting buhok, kulubot na balat o aging na sinasabi nila.


Nakakapagduda na tuloy.

Baka immortal talaga ang hayop na 'to?


"Na bored nga ako kaya naman andito ako sa harap mo at may sasabihing secret sa'yo."


"Ay bakit? Kelan pa tayo naging close?" I want to voice it out pero pinanatili ko na lang tikom ang bibig at itinaas na lang ang isang kilay.


"Hinahanap mo pa rin ba ang pumatay kay Alec?" Ngiting ngiting tanong niya na nagpahinto sa paghinga ko. "Do you still wanna know who killed your beloved?"

The Bloody Scorpions' QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon