Kade Travon's pov
Nakarating kami sa bahay nila pero tulog pa rin siya, bumaba ako at pumunta sa side niya. Binuksan ko ang pinto at bubuhatin na sana siya pero napatigil ako at napangiti.
"Sana lagi ka na lang tulog, nakakatakot ka pag gising, e." Mahina ang boses ko dahil takot akong magising siya. Aba, baby dragon na nga siya pag gising eh, baka mamaya fully grown dragon na siya pag nagising pa, combo pa na may regla siya.
Umiling ako at nakangiting nilapitan siya ulit, dahan dahan ko siyang binuhat para hindi na magising.
"Payat ka pero kakaiba ang bigat mo." Huminga ako ng malalim bago naglakad papasok ng bahay nila.
"Oh, anong nangyari?" Nag aalalang tanong ni Manang nang makapasok kami sa bahay nila. Nakita ko naman si Alexzy na mukhang nag pa-practice ng paglalakad na huminto rin ng makita kami. Sinamahan naman ako ni Manang sa kuwarto ni Chrizshel.
"Nilalagnat siya, Manang," sagot ko ng maibaba ko si Chrizshel sa kama niya.
"Ay oo nga, may dalaw na ba siya?" Tanong ni Manang na ikinakunot naman ng noo ko.
"Po? Sinong dadalaw?" Tanong ko. "Ano pong dalaw? Saan?" Dagdag ko pa na mahina namang tinawanan ni Manang Emery kaya mas lalo akokg nalilito.
"Ang ibig kong sabihin ay kung dumating na ba ang menstruation niya?" Nakangiting tanong ni Manang at literal naman na humugis O ang labi ko.
"Yes po, kanina lang."
"Osiya, magpahinga na muna kayo jan, dadalhan ko na lang kayo ng pagkain." Nakangiting sabi niya kaya tumango ako at nginitian din siya. Naiwan kaming dalawa ni Chrizshel. Habang natutulog siya ay nagisip ako ng pwedeng gawin para malibang ko ang sarili ko.
Nakita ko ang phone niya at agad ko itong kinuha at swerte dahil walang password. Kahit na alam kong bawal ay kinalikot ko pa rin, nag picture ako ng kasama siya kahit na tulog siya at nang makita kong maganda naman ang kuha ay yun ang ginawa kong wallpaper niya.
Pinagmasdan ko siya habang natutulog. Talagang napakaganda niya, gusto kong hagkan siya at markahan siya na akin lang, ngunit may pumipigil sakin. Hindi ito ang tamang oras at alam kong darating din ang araw na yon. Humiga na lang ako at niyakap siya. "Handa akong gawin ang lahat mapa sakin ka lang."
"I love you Chrizshel," mahinang bulong ko sa tenga niya at saka ko pinikit ang mata ko.
Alexzy's pov
"Alexzy hija, may napapansin kaba sa ate mo?" Tanong sakin ni Manang nang makababa siya.
"Hmm, wala naman po, bakit?" Balik tanong ko sa kanya habang hinihilot ang paa ko. Unti unti nang nawawala ang pamamanhid ng paa ko at ang ibig sabihin nun ay maari na akong makalakad ng deretsyo talaga at pwede na rin akong pumasok sa eskwelahan at makisalamuha sa mga tao at sa mga kaibigan ni ate! Nakaka excite!
BINABASA MO ANG
The Bloody Scorpions' Queen
Action"How far are you willing to go for your family? What are you willing to do to make those around you happy, including yourself? Are you ready to risk your life for the people you love? Are you willing to do anything for your sibling? The answer is ye...