[TRIGGER WARNING]
Violence ahead!!! If you are too sensitive please skip this chapter. Thank you!!!
***
Mabilis lumipas ang mga oras at malapit na mag uwian, we just need to finish copying the lessons na nasa board. I was concentrating sa ginagawa ko hanggang sa matapos ako. Sinara ko ang notebook ko at kakausapin sana si Leah pero nagsusulat pa siya kaya hindi ko na tinuloy.
Inilibot ko ang paningin sa mga kaklase na busy rin sa pagsusulat, ang iba ay nagpupustahan pa kung sino ang mauunang matapos. Busy rin ang bloods. Tumingin ako sa kabilang side at nakita ko naman ang Scorpions na tutok din sa pag susulat maski si Kade ay ganun din. Muli kong inilibot ang paningin at nung dumapo ang tingin ko sa isang malaking sanga ng puno nakita ko ang isang lalaki, kasing kulay ng damit niya ang kulay ng puno at may kung anong nakatabing sa mukha niya para matakpan ang kulay neto.
Nakatayo lang siya dun at para bang hindi niya alam na may nakatingin na sa kanya. Hindi ko inalis ang tingin ko sa lalaking nasa puno at sinundan ko ang tinitignan niya.
Kumunot ang noo ko, nakatingin siya kay Kade at hindi lang basta tingin kundi masamang tingin, binalik ko ang tingin ko sa lalaking nasa puno at ganon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ang hawak na ngayon ng lalaki.
May hawak na itong baril at diretsyo itong nakatutok kay Kade. May silencer ang baril na hawak nung lalaki at kung sakaling ibaril niya man ito ay walang makakarinig at bubulgta na lang si Kade.
Nakaramdam ako ng kakaibang kaba. Hindi ko alam kung bakit pero may nag sasabi sakin na gumawa ako ng move, pero nanatili akong nakaupo. Pinagmasdan ko ang galaw ng taong nasa puno. Kahit sino walang nakakapansin sa kanya kaya libre siyang gawin ang bawat galaw niya.
Unti unting bumibilis ang tibok ng puso ko. Maraming pwedeng madamay at hindi pwedeng mangyari yun. Dahan dahan kong binuksan ang bag ko habang nakatingin pa rin sa taong nasa puno. Kinuha ko ang dagger sa secret pocket ng bag ko. Bukas ang mga bintana kaya madali na lang kung hahagisan ko siya ng dagger inilabas ko rin ang paa ko sa loob ng lamesa ko, hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya. Hindi ko alam kung napapansin niya ako, pero mukhang hindi dahil na kay Kade lang ang atensyon niya.
Muli kong tinignan ang taong nasa puno at nakita kong pinalitan niya ang bala, hindi lang ito basta bala dahil kung titignan ito malaki ang pag kakaiba ng bala na 'to sa normal na bala lang. Naramdaman ko ulit ang pagbilis ng tibok ng puso ko. May kasamang lason ang bala na nilagay niya sa baril kitang kita ang kulay green na nakadikit sa metal at sigurado akong meron din sa dulo ng bala, mabilis kumalat ang lason sa katawan ng matatamaan. Kakalat ang lason at yun ang papatay sa matatamaan.
Mas lalo akong naalarma. Matinding pag dugo ang kailangan para maalis ang lason at maaring sa pagkaubos ng dugo mamatay ang matatamaan.
Hindi pwedeng may ibang matamaan!
Muli niyang itinutok kay Kade ang baril and this time naka kasa na 'to.
Mabilis akong kumilos dahil bigla niya na lang pinutok ang baril. Gaya nga ng sabi ko, may silencer ang baril kaya hindi maririnig ang pag putok neto. Mabilis kong tinulak si Kade na ikinagulat ng lahat bubulyawan niya sana ako pero hindi ko siya pinansin. Tumingin ako sa taong nasa puno at bakas ang gulat sa mata niya. Kinuha ko yun na chance at agad na hinagis ang dagger sa kanya. Narinig ko ang sigaw ng grupo ko at ng scorpions. Natamaan sa tagiliran ang lalaking nasa puno, muli siyang bumaril at this time ako na ang target niya naiwasan ko ang bala niya pero nadaplisan ako.
BINABASA MO ANG
The Bloody Scorpions' Queen
Action"How far are you willing to go for your family? What are you willing to do to make those around you happy, including yourself? Are you ready to risk your life for the people you love? Are you willing to do anything for your sibling? The answer is ye...