Chapter 1

1K 39 1
                                    


I'm here in my room, tamad na tamad na nakahiga sa kama ko. Isang taon mahigit na ang nakalipas pero hindi pa rin mawala sa isip at sa puso ko ang nangyari sa kapatid ko at everytime na nakikita ko ang kapatid ko na naghihirap dahil sa kalagayan niya ngayon, parang nawawasak ng paulit ulit ang puso ko.


"Chrizshel, hinahanap kana ni Alexzy sa baba, kakain na. Baka daw mahuli pa kayo sa klase niyo," rinig kong sabi ni Manang sa labas ng pinto na kumatok pa muna ulit ng tatlong beses bago binuksan ang pinto ng kwarto ko.


"Aba, bakit hindi kapa naliligo?" Gulat na tanong ni Manang nang makita akong nakahiga pa rin, sabog ang buhok at nakasuot pa rin ng pajama.


"Nakakatamad kumilos."


Si Manang Emery ang ka isa-isang taong nag alaga sa amin mula nang mamatay ang mga magulang namin, dahil bukod kay lola at lolo si Manang ang tumayong nanay at tatay samin ni Alexzy, ang bunso kong kapatid. And yes, Alexzy is alive, naka survive siya sa ginawang kademonyohan ni Jacob.


"Gusto mo paliguan kita?" Malumanay ngunit puno ng kaseryosohan ang tono ni Manang kaya napangiwi ako.


"I'm good na po."


"Osige, aasikasuhin ko na muna yung pagkain niyo sa baba."


"Thanks, Manang. Pakisabi na lang po na maliligo lang ako tapos bababa na." Tumango naman siya at umalis na. Huminga ako ng malalim at naghanda na para sa pagpasok. Tinignan ko pa muna ang sarili ko sa salamin ng banyo bago tuluyang naligo.


Ang ganda ko talaga!


"Ang tagal mo naman maligo!" Nakasimangot na bungad ni Alexzy nang makababa ako. "Kanina pa kita hinihintay, mahirap ba mag tanggal ng libag?"


"Sorry na, alam mo naman ang ate mo, kailangan pang mag paganda." Natatawang sabi ko, nawala naman ang kunot sa noo ni Alexzy dahil natawa na rin siya.


"Oo tama, kailangan mo pa nga 'yon," Aniya na ikinataas ng kilay ko.


"Ito naman si ate, joke lang, eh," nakabusangot na bawi niya kaya lihim akong napangiti.


"You look beautiful in your new school uniform," nakangiting puri niya. Umikot ako sa harap niya at pinakita sa kanya ang kabuuan ng uniform ko. Black mini skirt, white and red blouse then black necktie na para sa babae ang uniform namin, pinaresan ko na lang 'to ng white stiletto heels na mas nagpaganda sa look ko.


"Lagi akong maganda kahit ano pa ang isuot ko," mayabang na sagot ko matapos umikot.


Umirap naman si Alex sa hangin. "And the typhoon is here."


Natatawang ginulo ko ang buhok niya na mas ikinabusangot naman niya. "Ate, wag ang buhok ko!" Naiinis na pinigilan niya ang kamay ko pero imbis na makinig, eh, mas ginulo ko pa ang buhok niya.

The Bloody Scorpions' QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon